Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang
Napolitano
(
awtonimo
: (
'o n
)
napulitano
IPA
:
[(o n)napuli?t?ːn?]
;
Italyano
:
napoletano
) ay isang
wikang Romanse
ng
grupong Italo-Dalmata
na sinasalita sa karamihan ng kalupaang
Katimugang Italya
, maliban sa katimugang
Calabria
at katimugang
Apulia
,
[2]
[3]
[4]
at sinasalita sa isang maliit na bahagi ng
Kalagitnaang Italya
(ang
lalawigan ng Ascoli Piceno
sa
Marche
). Ito ay pinangalanan sa
Kaharian ng Napoles
na dating sumakop sa kalakhan ng lugar, kung saan ang lungsod ng
Napoles
ang kabesera. Noong Oktubre 14, 2008, isang batas ng Rehiyon ng
Campania
ang nagsasaad na ang Napolitano ay dapat pangalagaan.
[5]
Ang terminong "wikang Napolitano" ay malawakang ginagamit sa artikulong ito upang tumukoy sa grupo ng mga malapit na nauugnay na Romanseng diyalekto na matatagpuan sa katimugang kontinental na Italya, gaya ng inilarawan sa itaas. Gayunpaman, gaya ng ipinahihiwatig mismo ng termino, maaari rin itong mas partikular na tumutukoy sa wikang katutubo sa lungsod ng Napoles at sa kalakhang sakop nito. Sa mga konteksto mula sa kolokyal na pananalita hanggang sa akademikong lingguwistika, "Napolitano",
napulitano
, o
napoletano ay
kadalasang tumutukoy sa mga partikular na
varayti
na sinasalita sa Napoles at ang nakapaligid kaagad na
kalakhang pook ng Napoles
.
[6]
[7]