Republika ng Armenya
?????????
???????????????
(
Armenyo
)
Hayastani Hanrapetut’yun
|
---|
|
Salawikain:
??? ???, ??? ????????
Mek Azg, Mek Mshakuyt
"Isang Bansa, Isang Kalinangan"
|
|
![Lokasyon ng Armenya.](//upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/9/96/Armenia_%28orthographic_projection%29.svg/250px-Armenia_%28orthographic_projection%29.svg.png) Lokasyon ng Armenya.
|
Kabisera
at pinakamalaking
lungsod
| Ereban
40°11′N
44°31′E
/
40.183°N 44.517°E
/
40.183; 44.517
|
---|
Wikang opisyal
| Armenyo
|
---|
Katawagan
| Armenyo
|
---|
Pamahalaan
| Unitaryong
republikang
parlamentaryo
|
---|
|
| Vahagn Khachaturyan
|
---|
| Nikol Pashinyan
|
---|
|
Lehislatura
| Asembleyang Pambansa
|
---|
|
|
| ika-6 na dantaon BK
|
---|
| 190 BK
|
---|
| 52?428
|
---|
| 885?1045
|
---|
| 1198?1375
|
---|
| 28 Mayo 1918
|
---|
| 2 Disyembre 1920
|
---|
| 23 Setyembre 1991
|
---|
| 21 Disyembre 1991
|
---|
| 2 Marso 1992
|
---|
| 5 Hulyo 1995
|
---|
|
|
? Kabuuan
| 29,743 km
2
(11,484 mi kuw) (ika-138)
|
---|
? Katubigan (%)
| 4.71
|
---|
|
? Pagtataya sa Q1 2021
| 2,963,900 (ika-137)
|
---|
? Senso ng 2011
| 3,018,854
|
---|
? Densidad
| 101.5/km
2
(262.9/mi kuw) (
ika-99
)
|
---|
KDP
(
PLP
)
| Pagtataya sa 2021
|
---|
? Kabuuan
| $43.550 bilyon
|
---|
? Bawat kapita
| $14,701
|
---|
KDP
(nominal)
| Pagtataya sa 2021
|
---|
? Kabuuan
| $13.612 bilyon
(
ika-127
)
|
---|
? Bawat kapita
| $4,595 (ika-104)
|
---|
Gini
(2019)
| 29.9
[1]
mababa
|
---|
TKP
(2019)
| 0.776
mataas
· ika-81
|
---|
Salapi
| Dram
(
?
) (
AMD
)
|
---|
Sona ng oras
| UTC
+4
(
AMT
)
|
---|
Ayos ng petsa
| dd/mm/yyyy
|
---|
Kuryente
| 230V-50Hz
|
---|
Kodigong pantelepono
| +374
|
---|
Internet TLD
| |
---|
Ang
Armenya
(
Armenyo
:
????????
;
tr.
Hayastan
), opisyal na
Republika ng Armenya
, ay bansang transkontinental at walang pampang na nasa pagitan ng
Silangang Europa
at
Kanlurang Asya
. Matatagpuan sa Timog Kaukasya, hinahangganan ito ng
Turkiya
sa kanluran,
Heorhiya
sa hilaga,
Aserbayan
at ng koridor Lachin sa silangan, at
Iran
at ng eksklabong Aseri na Nakhchivan sa timog. Ang kabisera, sentrong pinansyal, at pinakamalaking lungsod nito ay
Ereban
.
Ang unang Armenyong estado ng
Urartu
ay itinatag noong 860 BK, at noong
ika-6 na dantaon BK
ito ay pinalitan ng
Satrapya ng Armenya
. Naabot ng
Kaharian ng Armenya
ang kataasan nito sa ilalim ni
Dakilang Tigranes
noong
ika-1 dantaon BK
at naging ang kauna-unahang estado na ginawa ang
Kristiyanismo
bilang ang
opisyal na relihiyon
, na ginawa noong 301. Ang natatanging
alpabetong Armenyo
ay nilikha ni
Mesrop Mashtots
noong 405. Ang sinaunang kaharian ng Armenya ay nahati sa pagitan ng
Imperyong Bisantino
at
Sasanida
noong unang bahagi ng
ika-5 dantaon
. Sa ilalim ng
halaring Bagratuni
, ang
Armenyang Bagratida
ay naibalik noong
ika-9 na dantaon
. Humina ito dahil sa mga digmaan laban sa mga Bisantino, at tuluyan itong bumagsak noong 1045. Pagkatapos ay agad itong sinalakay ng mga
Selyukidang Turko
. Isang Armenyong prinsipado, at sa kalaunan ay ang
Kahariang Armenyo ng Silisya
ay naroon sa baybayin ng
Dagat Mediteraneo
sa pagitan ng ika-11 at ika-14 na dantaon.
Sa pagitan ng ika-16 at ika-19 na dantaon, ang tradisyunal na tinubuang-bayan ng Armenya na binuo ng
Kanlurang Armenya
at
Silangang Armenya
ay napasailalim ng pamumuno ng
Imperyong Otomano
at
Persa
, na paulit-ulit na pinamunuan ng alinman sa dalawa sa paglipas ng mga siglo. Noong
ika-19 na dantaon
, ang Silangang Armenya ay nasakop ng
Imperyong Ruso
habang ang karamihan sa mga kanlurang bahagi ng tradisyunal na Armenyong tinubuang-bayan ay nanatili sa ilalim ng pamamahalang Otomano. Noong
Unang Digmaang Pandaigdig
, higit 1.5 milyong Armenyo na nanirahan sa kanilang lupaing ninuno sa Imperyong Otomano ay sistematikong nalipol sa
henosidyong Armenyo
. Noong 1918, kasunod ng
Himagsikang Ruso
, ang lahat ng mga bansang hindi Ruso ay nagpahayag ng kanilang kalayaan pagkatapos na pagkabuwag ng
Imperyong Ruso
, na humantong sa pagkatatag ng
Unang Republika ng Armenya
. Noong 1920, ang estado ay isinama sa
Transkaukasyanong Sosyalistang Pederatibong Republikang Sobyet
, at noong 1922 ay naging isa itong kasaping nagtatag ng
Unyong Sobyet
. Noong 1936, ang estadong Transkaukasyano ay nilansag at ginawang ganap na mga republika ng Unyon ang mga nasasakupan nitong estado, kabilang na ang
Armenyong Republikang Sosyalistang Sobyet
. Ang modernong Republika ng Armenya ay naging malaya noong 1991 sa panahon ng
pagbuwag ng Unyong Sobyet
.
Ang Armenya ay isang demokratikong maraming partidong
bansang estado
. Isa itong
bansang umuunlad
, at niranggong ang bansa bilang ang ika-81 sa
Talatuntunan ng Kaunlarang Pantao
noong 2018. Pangunahing nakabatay ang ekonomiya nito sa produksyong industriyal at pagkuha ng mga mineral. Habang ang Armenya ay heograpikal na matatagpuan sa
Timog Kaukasya
, ito ay karaniwang itinuturing na geopolitikong Europeo. Dahil dito, miyembro ang bansa ng iba't-ibang organisasyong Europeo, kabilang ang
Konseho ng Europa
,
Silangang Pakikipagsosyo
,
Eurokontrol
,
Kapulungan ng mga Rehiyong Europeo
, at
Bangko para sa Muling Pagtatayo at Pagpapaunlad ng Europa
. Bahagi rin ang Armenya ng mga partikular na grupong rehiyonal sa
Eurasya
, kabilang ang
Bangko sa Pagpapaunlad ng Asya
,
Organisasyon ng Tratadong Pangkolektibong Katiwasayan
,
Unyong Eurasyano
, at
Bangko sa Pagpapaunlad ng Eurasya
. Sinusuportahan ng Armenya ang
de factong
may kasarinlang
Republika ng Artsakh
, na naiproklama noong 1991. Kinikilala ng Armenya ang
Simbahang Apostolikong Armenyo
, ang pinakamatandang
pambansang simbahan
sa mundo, bilang ang pangunahing relihiyosong establisyemento ng bansa.
Ang Armenia ay nahahati sa sampung
lalawigan
(
marzer
, kapag isa
marz
), na ang lungsod (
kaghak
) ng
Yerevan
(
?????
) bilang may natatanging kalagayang pang-administratibo dahil sa pagiging kabesera ng bansa.
- Lalawigan ng Aragatsotn
- Lalawigan ng Ararat
- Lalawigan ng Armavir
- Lalawigan ng Gegharkunik
- Lalawigan ng Kotayk
- Lalawigan ng Lori
- Lalawigan ng Shirak
- Lalawigan ng Syunik
- Lalawigan ng Tavush
- Lalawigan ng Vayots Dzor
- Yerevan
CIS
![Bansa](//upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/5/57/Crystal_Clear_app_internet.png/35px-Crystal_Clear_app_internet.png)
Ang lathalaing ito na tungkol sa
Bansa
at
Armenia
ay isang
usbong
. Makatutulong ka sa
Wikipedia
sa
pagpapalawig
nito.