Si
Publio Virgilio Maron
(Oktubre 15,
70 BKE
?
19 BKE
), na mas kilala bilang
Virgil
io o
Vergil
, ay isang sinaunang makatang
Romano
ng Panahong Augustan. Tinatawag din siyang
Virgilius
o
Vergilius
. Kilala siya dahil sa kaniyang tatlong pangunahing akda sa panitikang
Latin
, ang
Eclogues
(o
Buocolics)
, ang
Georgics
, at ang epikong
Aeneid
. Maraming mga tula, ang mga tinipon sa
Appendix Vergiliana
, ay inuugnay rin sa kaniya.
Siya ay isa sa mga pinakamahusay na makata ng Roma. Ang
Aeneid
niya ay itinuturing din bilang pambansang epiko ng sinaunang Roma mula sa panahon ng pagkatha hanggang sa kasalukuyang panahon. Ito ay minodelo mula sa
Illiad
at
Odyssey
ni Homer, ang
Aeneid
ay tungkol sa isang Troyanong tumakas na si Aeneas habang sinisikap niyang tuparin ang kaniyang kapalaran at makarating sa baybayin ng Italya?sa mitolohiyang Romano, ang
founding act
ng Roma. Ang mga akda ni Virgil ay lumaganap at nakaimpluwensiya sa panitikang Kanluranin, lalo na sa
Divine Comedy
ni Dante, kung saan si Virgil ang gumabay kay Dante sa kaniyang paglalakbay sa
impiyerno
at
purgatoryo
.
Bilang dagdag, hinggil sa akda niyang
Aeneis
, ginawang huwaran ni Virgil si Homer sa paggamit ng mga diyos bilang mga tauhang pang-akda, ngunit mayroong kamangha-manghang panulaan ang
Aeneis
na naglalaman ng mga pininong mga parirala, kaya't napabantog at naituring na isang mahalagang gawa ng kapanahunang ginintuan ng panitikang Latin.
[1]
Isinilang si Vergilius sa isang nayon sa hilagang
Italya
, sa isang manggagawang ama na nakalikom ng salapi mula sa sariling lupain, at nagbigay ng mabuting edukasyon kay Vergilius. Inibig sana ni Vergilius na maging isang
manananggol
, ngunit napakamahiyain nito, partikular na sa pagsasalita sa harap ng madla. Sa halip, pinagtuonan niya ng pansin ang pagiging isang makata. Noong 19 BK, pumunta sa
Gresya
si Vergilius. Nagkaroon siya ng lagnat habang nasa Gresya, kaya't namatay nang nakabalik na sa Roma. Ito ang dahilan kung bakit hindi niya natapos ang huli niyang akdang
Aeneis
.
[1]
Lumabas ang kaniyang unang akdang
Bucolics
(Buhay ng Isang Pastol) - tinatawag ding
Ecloga
o
Eclogues
(Mga Pili, o Mga Piniling Sipi) noong may 30 taong gulang na siya. Isang pangkat ng sampung maromansang mga tula ang
Ecloga
na naglalaman ng mga pag-ibig at pighati ng mga pastol ng tupa at kambing, na may mga hindi makatotohanan ngunit kabigha-bighaning kayarian, isang katangiang pang-akdang nagpabantog kay Vergilius.
[1]
Nasundan ang
Ecloga
ng mas seryoso at mas makatotohanang tulang
Georgica
(o
Georgics
, Buhay sa Bukid), na binubuo ng apat na aklat tungkol sa mga gawain ng isang magsasaka.
[1]
Ang
Aeneis
(Ang Salaysay Ukol kay Aeneas) ang pinakahuling akda ni Vergilius, na naglalaman ng isang kuwento tungkol sa pakikipagsapalarang pangbayaning may labindalawang bahagi o "aklat." Nakabatay ang akdang ito mula sa dalawang
epikong
Griyegong isinulat ni
Homer
, ang
Iliada
at ang
Odisea
. Katulad ng
Odisea
ang unang hati ng Aeneas, samantalang kahawig naman ng ikalawang hati ng
Aeneas
ang
Iliada
. Subalit, sinasabing hindi naman tuwirang ginaya lamang ni Vergilius ang mga akdang ito ni Homer, bagkus pinangibabawan ni Vergilius ang mga pangyayari at mga tauhan ng
Iliada
at
Odisea
at pinaglaanan ng bago at mas malalim na mga kahulugan.
[1]