Unibersidad ng Tubingen

Mga koordinado : 48°31′30″N 9°03′32″E  /  48.525°N 9.059°E  / 48.525; 9.059
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang Neue Aula

Ang Unibersidad ng Tubingen ( Ingles University of Tubingen , opisyal na  Eberhard Karls University of Tubingen Aleman : Eberhard Karls Universitat Tubingen ; Latin : Universitas Eberhardina Carolina ), ay isang pampublikong unibersidad sa pananaliksik na Aleman na matatagpuan sa lungsod ng Tubingen, Baden-Wurttemberg. Ito ay isa sa mga pinakatanyag at pinakamatandang unibersidad sa Alemanya , at kilala sa mga larangan ng medisina , likas na agham , agham panlipunan , at humanidades . Bilang isang German Excellence University, ang Tubingen ay regular nararanggo bilang isa sa mga pinakamahusay na mga unibersidad sa Alemanya at lalong kilala bilang isang sentro para sa pag-aaral ng medisina, batas, at teolohiya. Ang unibersidad ay merong mga nagtapos kung saan nabibilang ang maraming pangulo, ministro, komisyoner ng  EU , at mga hukom ng  Federal Constitutional Court  ng Alemanya.

Ang unibersidad ay nauugnay sa labing-isang Nobel laureates , lalo na sa larangan ng medisina at kimika .

48°31′30″N 9°03′32″E  /  48.525°N 9.059°E  / 48.525; 9.059 Edukasyon Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong . Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.