Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang diwa ng
Unang Mundo
(Ingles:
First World
) ay nagmula sa panahon ng
Digmaang Malamig
, kung saan ginamit ito upang ilarawan ang mga bansa na nakaanib sa
Estados Unidos
. Ang mga bansang ito ay
makademokrasya
at
kapitalistiko
. Pagkalipas ng pagbagsak ng
Unyong Sobyet
at sa pagwawakas ng Digmaang Malamig, ang katagang "Unang Mundo" ay nagkaroon ng isang bagong kahulugan na mas mailalapat sa kapanahunan. Magmula noong unang kahulugan nito, ang katawagang
Unang Mundo
ay naging malakihang kasingkahulugan ng mga
bansang maunlad
o mga
bansang talagang maunlad
(depende sa kung anong kahulugan ang ginagamit).
Sa pangkalahatan, ang mga bansang nasa Unang Mundo ay mayroong napaka masusulong na mga ekonomiya at may napaka matataas na mga
Talatuntunan ng Kaunlarang Pantao
. Sa kabilang dako, binigyang kahulugan ng
Nagkakaisang mga Bansa
ang Unang Mundo hinggil sa yaman ng
Magaspang na Produktong Pambansa
(ang
Gross National Product
o GNP) ng bansa. Ang kahulugan ng
Unang Mundo
ay hindi na ngayon gaanong konkreto o tiyak kaysa noong panahon ng Digmaang Malamig.
Ang dinamikang pangglobo sa pagitan ng Unang Mundo ng iba pang mga Mundo ay may katotohanang nahahati sa dalawa. Ang mga pakikipag-ugnayan sa
Ikalawang Mundo
ay may pagpapaligsahan, pang-ideolohiya, at may pagsasalungatan. Ang mga pakikipag-ugnayan sa
Ikatlong Mundo
ay karaniwang positibo ayon sa teoriya, habang ang ilan ay talagang negatibo ayon sa pagsasagawa (katulad ng pagkakaroon ng digmaan). Ang pangkasalukuyang pakikipag-ugnayan sa pagitan ng mga Mundo ay hindi napaka mahigpit, bagaman mayroong pagkakaiba dahil sa ang Unang Mundo ay mas maimpluwensiya, mas may yaman, mas may kabatiran, at mas may pagsulong kaysa sa iba pang mga Mundo.
Ang
globalisasyon
ay isang kababalaghang nagkakaroon ng tumataas na kahalagahan, na malakihang ginatungan ng Unang Mundo at ng mga kaugnayan nito sa iba pang mga Mundo. Isang halimbawa ng globalisasyon sa loob ng Unang Mundo ay ang
Unyong Europeo
na nagdala ng malaking antas ng
pagkakaisa
at
integrasyon
sa rehiyon. Ang mga
korporasyong multinasyunal
ay nagbibigay din ng mga halimbawa ng epekto ng Unang Mundo sa globalisasyon, dahil nakapagdadala sila ng pagsasama-samang pang-ekonomiya, pampolitika, at panlipunan ng maraming mga bansa. Dahil sa pagbangon ng mga korporasyong multinasyunal, ang suliranin ng
outsourcing
(pangongontrata ng isang tungkuling pangnegosyo ng isang kompanya papunta sa ibang mga tao na hindi empleyado ng nasabing kompanya) ay lumitaw sa maraming mga bansang nasa Unang Mundo.
Ang lathalaing ito na tungkol sa
Politika
ay isang
usbong
. Makatutulong ka sa
Wikipedia
sa
pagpapalawig
nito.