Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang
Unang Krusada
(1096?1099) ay isang ekspedisyong militar ng
Romano Katolikong
Europa upang muling maibalik ang mga
banal na lupain
na nasakop ng mga Muslim sa
Levant
(632?661) na sa huli ay humantong sa muling pagkakabihag ng Herusalem noong 1099.
[2]
[3]
[4]
Ito ay inilunsad ni Papa
Urban II
noong 27 Nobyembre 1095 na may pangunahing layuin ng pagtugon mula sa apela mula sa Emperador ng
Imperyong Byzantine
na si
Alexios I Komnenos
na humiling ng mga bolunterong kanluraning upang tulungan siya at patalsikin ang mga mananakop na
Turkong Seljuk
mula sa
Anatolia
. Ang karagdagang layunin ay sandaling naging pangunahing layunin na ang
Kristiyanong
pananakop ng Herusalem at Banal na Lupain at pagpapalaya ng mga
Silangang Kristiyano
mula sa pamumunong
Islamiko
. Sa panahon ng unang krusada, ang mga kabalyero at mga magsasaka mula sa iba't ibang mga bansa ng Kanluraning Europa ay naglakbay sa lupain at dagat una ay sa
Constantinople
at pagkatapos ay tungo sa Herusalem bilang mga nagkukrusada. Ang mga magsasaka ay mas marami sa mga kabalyero. Ang mga magsasaka at mga kabalyero ay nahati sa dalawang magkakahiwalay na mga hukbo dahil ang mga magsasaka ay hindi mahusay na sinanay sa labanan gaya ng mga kabalyero. Ang kanilang hukbo ay nabigong makarating sa Herusalem. Ang mga kabalyero ay nakarating sa Herusalem at naglunsad ng pagsalakay sa siyudad. Kanila itong nasakop noong Hulyo 1099 at nang-masaker ng maraming mga Muslim at Hudyong mamamayan nito. Kanila ring itinatag ang mga
estado ng nagkrusada
na
Kaharian ng Herusalem
,
Kawnti ng Tripoli
,
Prinsipalidad ng Antioch
at
Kawnti ng Edessa
. Dahil ang Unang Krusada ay malaking nauukol sa Herusalem na isang siyudad na hindi napasailalim ng mga Kristiyano sa loob ng 461 taon, ang mga nagkrusad ay tumanggi na ibalik ang lupain sa kontrol ng
Imperyong Byzantine
. Ang Unang Krusada ay bahagi ng tugong Kristiyano sa mga pananakop ng Muslim. Ito ay sinundan ng
Ikalawang Krusada
hanggang
Ikasiyam na Krusada
ngunit ang mga nakamit dito ay tumagal sa kaunti sa 200 taon. Ito rin ang unang pangunahing hakbang tungo sa muling pagbubukas ng kalakalang internasyonal sa Kanluran simula ng pagbagsak ng
Kanluraning Imperyo Romano
.
- ↑
Nicolle 2003
, pp. 21 and 32
harv error: no target: CITEREFNicolle2003 (
help
)
.
- ↑
Asbridge, Thomas (2004). The First Crusade: A New History. Oxford.
ISBN 0-19-517823-8
.
- ↑
Baldwin, Marshall W. (1969). A History of the Crusades: The First Hundred Years. Madison, Wisconsin: University of Wisconsin Press.
ISBN 978-0-299-04834-1
.
- ↑
Bartlett, Robert (1994). The Making of Europe: Conquest, Colonization and Cultural Change 950?1350. Princeton.
ISBN 0-691-03780-9
.