Ang
Tulay Pang-alaala ng William A. Jones
(
Ingles
:
William A. Jones Memorial Bridge
)
[1]
ay isang tulay na tumatawid sa
Ilog Pasig
sa
Maynila
,
Pilipinas
, na nag-uugnay ng distrito ng
Binondo
sa Kalye Quintin Paredes (dating
Calle Rosario
) sa sentro ng lungsod sa
Ermita
. Ang naunang tulay na nag-ugnay ng mga nasabing lugar ay ang
Puente Grande
(Dakilang Tulay), na kalaunan ay tinawag na
Puente de Espana
(Tulay ng Espanya) na matatagpuan isang bloke mula sa Tulay ng Jones sa
Calle Nueva
(ngayon ay Kalye E. T. Yuchengco).
Lubhang nawasak ang tulay pagkaraang bombahin ito ng
mga Hapones
noong
Ikalawang Digmaang Pandaigdig
, ngunit naitayo ito muli pagkaraan ng digmaan.
Pagkaraang dumanas ang
Puente de Espana
sa pagkaupod at pagkaluma nang hindi na kayang maikumpuni, ipinanukala ang pagtatayo ng isang kapalit na tulay. Itinayo ito sa tabi ng Puente de Espana na nanatili sa paggamit hanggang sa matapos ang bagong tulay. Ipinangalan itong
Jones Bridge
, mula kay
William Atkinson Jones
, dating kinatawan ng
Virginia
na pangunahing may-akda ng
Philippine Autonomy Act
ng 1916. Sinimulan ang buong pagtatayo ng tulay noong 1919 na pinamamahalaan ng pamahalaang panlungsod ng Maynila, ngunit namahala ang pamahalaang kolonyal ng Amerika sa pagtatapos ng tulay noong 1920. Pinasinayaan ang tulay noong 1921.
Ang disenyong
Neoklasiko
ni
Juan M. Arellano
ay isang magayak na
kongkretong
tulay-arko
. Hinuwaran ng tulay ang estilo ng mga tulay sa
Paris
noong mga panahong
Napoleoniko
at
Haussman
. May tatlong arko ang tulay na nakalagay sa dalawang piyer. Ang loob ng mga piyer ay pinagtibay ng asero habang ang labas at mga dibuhong palamuti ay gawa sa kongkreto at nabinubong batong artipisyal.
[1]
Naglagay si Arellano ng mga rebulto ng lalaki sa mga
lumba-lumba
na katulad ng
Pont Alexandre III
sa Paris, na nakita mismo ni Arellano habang nasa paglalakbay pabalik ng Pilipinas mula
Estados Unidos
. Ang iba pang mga bahagi ng tulay na pinalamutian nang lubos ay mga
palababahan
(
balustrades
),
finial
, poste ng ilaw, at hulma (
moldings
). Inilagay rin ang mga rebulto sa mga
kuwadradong pundasyon
(
plinths
) sa bawat dulo ng tulay. Isang manlililok na nagnanganlang Martinez ay binigyang-kapangyarihan upang gumawa ng apat na mga matalinhagang
paglalarawan (
tableau
)
na may kahalintulad na temang
pagiging ina
at
pagkabansa
.
Lubhang nawasak ang tulay kasunod ng pagbobomba ng mga puwersang Hapones noong
Ikalawang Digmaang Pandaigdig
. Pagkaraan ng digmaan pansamantalang itinayo ang isang
bailey bridge
hanggang sa muling pagtatayo ng Tulay ng Jones.
[1]
Pagkaraan ng digmaan, muling itinayo ng
Kawanihan ng Daang Pampubliko ng Estados Unidos
at ng noo'y
Kawanihan ng Pagawaing Pampubliko ng Pilipinas
sa ilalim ng
Philippine Rehabilitation Act
ng 1945.
[2]
Dala ang pangalan ng tulay, ang bagong kahabaan ay isang payak na tulay na may metal na posteng barandilya. Wala itong magarbong palamuti dahil sa pagnanais na mabilisang matapos ang muling pagtatayo ng tulay.
Winasak din ng digmaan ang isa sa apat na mga rebulto ng
La Madre Filipina
; inilipat ang mga natitirang bantayog sa ibang lugar sa Maynila.
[4]
[
kailangang tiyakin
]
Dalawa sa mga ito ay inilagay malapit sa mga baitang ng gusali ng
Hukuman ng Apelasyon
habang inilipat naman ang isa sa
Liwasang Rizal
.
[5]
Noong 1998, sa pagdiriwang ng
Sentenaryo ng Kalayaan ng Pilipinas
, bahagyang ipinanumbalik ang tulay ni arkitekto Conrad Onglao na inatasan ni noo'y Unang Ginang
Amelita Ramos
.
- Pagsasaayos noong 2019
Noong 2019, inihayag ng alkalde ng Maynila na si
Isko Moreno
ang mga panukala upang "ipanumbalik" ang Tulay ng Jones sa halos-orihinal na arkitektura, kabilang ang pagbabalik ng tatlong natitirang eskulturang rebulto na dating nagbantay sa tulay, gamit ang ?20 milyon na iniambag para sa proyekto.
[6]
[7]
Kokopyahin naman ang nawasak na ikaapat na eskultura sa tulong ng mga sinupan ng naunang tulay ng
Pambansang Aklatan ng Pilipinas
.
[7]
Inatasan ni Moreno si Jose Acuzar, may-ari ng
Las Casas Filipinas de Acuzar
, upang lumikha ng mga poste ng ilaw na may estilong
Beaux-Arts
katulad ng mga posteng ilawan na nasa Pont Alexandre III at bagong mga haligi na magsisilbing tagatayo ng mga rebulto.
[7]
[8]
Madalang na makaranas ng pagsisikip ng trapikonang Tulay ng Jones, na kadalasang nagaganap sa mga dulo nito dahil sa mga paglabag sa mga alituntunin ng pagpaparada.
[9]
Kinaugalian ding dumaraan ang
Pasig River Ferry Service
sa ilalim nito upang makapunta sa estasyon nito sa
Kalye Escolta
.
[10]
Tuwing 9 Enero mula noong 2013, taun-taong isinasara ng
Pangasiwaan sa Pagpapaunlad ng Kalakhang Maynila
ang tulay mula sa mga kotse upang magbigay daan sa prusisyon tuwing
Pista ng Itim na Nazareno
pagkaraang inihayag ng
Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan
na hindi na matatag ang kalapit na
Tulay ng MacArthur
para makapaglalaman ng dumaraming trapiko ng mga tao tuwing mga pagdiriwang.
[11]
Noong 2012, naglabas ng pahayag ang
Tanod Baybayin ng Pilipinas
na nagpapabawal sa paglalangoy sa kahabaan ng Ilog Pasig kasunod ng pagkakatuklas ng tatlong mga bangkay na lumulutang malapit sa kinaroroonan ng tulay.
[12]
Noong 2019, nailigtas ng
Pasig River Rehabilitation Commission
ang tatlong mga tinedyer sa ilalim ng tulay na nahihirapang lumangoy at nasa bingit ng pagkalunod.
[13]
- ↑
1.0
1.1
1.2
Alcazaren, Paulo (29 Setyembre 2001).
"Jones Bridge Diary: The link to a romantic past"
.
City Sense
. The Philippine Star
. Nakuha noong
6 Hunyo
2016
.
{{
cite news
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
Untitled
(Plaque on bridge). At the fence of the north end of Jones Bridge in Manila.: Presumably the Philippine Bureau of Public Works and the U.S. Bureau of Public Roads.
- ↑
Tewell, John (2009-08-25).
"A walk in Intramuros, Aug. 25, 2009"
. Flickr. Retrieved on 2011-09-22.
- ↑
Tewell, John.
"Rizal (Luneta) Park, Manila"
. Flickr. Retrieved on 2011-09-22.
- ↑
Domingo, Katrina (12 Setyembre 2019).
"Mayor Isko receives P20M from Chinese businessmen for Manila bridge project"
.
ABS-CBN
. Nakuha noong
20 Oktubre
2019
.
{{
cite web
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
7.0
7.1
7.2
"The Capital Report"
.
City of Manila
. 18 Oktubre 2019. Inarkibo mula sa
ang orihinal
noong 3 Disyembre 2020
. Nakuha noong
20 Oktubre
2019
.
{{
cite web
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
"Look: New lampposts along Jones Bridge"
. ABS-CBN. 16 Oktubre 2019
. Nakuha noong
20 Oktubre
2019
.
{{
cite web
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
Cahiles-Magkilat, Bernie (5 Setyembre 2018).
"Chamber opposes China-funded Binondo-Intramuros bridge"
.
Manila Bulletin
. Inarkibo mula sa
ang orihinal
noong 20 Oktubre 2019
. Nakuha noong
20 Oktubre
2019
.
{{
cite web
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
"Pasig River Ferry FAQ"
.
MMDA
. Inarkibo mula sa
ang orihinal
noong Nobiyembre 12, 2020
. Nakuha noong
20 Oktubre
2019
.
- ↑
"DPWH cautions use of MacArthur and Quezon bridges in Manila for Black Nazarene translacion activities"
. Republic of the Philippines. 5 Setyembre 2018. Inarkibo mula sa
ang orihinal
noong 14 Oktubre 2016
. Nakuha noong
20 Oktubre
2019
.
{{
cite web
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
Macairan, Evelyn (7 Marso 2012).
"PCG: Ban swimming in Pasig River"
.
Philippine Star
. Nakuha noong
20 Oktubre
2019
.
{{
cite web
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
Baron, Gabriela (10 Agosto 2019).
"Three minors rescued from drowning in Pasig River"
.
Manila Bulletin
. Inarkibo mula sa
ang orihinal
noong 20 Oktubre 2019
. Nakuha noong
20 Oktubre
2019
.
{{
cite web
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)