Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang
Tulay ng Ayala
(
Ingles
:
Ayala Bridge
) ay isang bakal na
sepong tulay
(
truss bridge
) sa ibabaw ng
Ilog Pasig
sa
Maynila
,
Pilipinas
. Kinokonekta nito ang mga distrito ng
Ermita
at
San Miguel
, at dumaraan sa kanlurang dulo ng
Isla de Convalecencia
. Dinadala nito ang
Daang Palibot Blg. 1
(C-1) at ang
Pambansang Ruta Blg. 180
(N180) na iniuugnay ang Bulebar Ayala ng Ermita sa Kalye Pascual Casal ng San Miguel.
Unang itinayo ang Tulay ng Ayala bilang isang estrukturang yari sa kahoy noong 1872, ni Don Jacobo Zobel y Zangroniz ng Casa Roxas (ang kasalukuyang
Ayala Corporation
). Noong 1908 pinalitan, ang materyal na ito ng bakal, at naging unang debakal na tulay ng Pilipinas ang Tulay ng Ayala. Ang kasalukuyang anyo nito ay iniukol sa isang muling pagtatayo noong dekada-1930.
Isinara sa publiko ang tulay noong unang bahagi ng 2015 para isailalim ito sa pagpapabuti at pagkukumpuni upang matiyak ang katatagan nito. Ini-angat ito nang 70 sentimetro upang makayanan nito ang lindol na may magnitud na 7.2. Binuksan muli ang tulay noong Nobyembre 2015.
[1]