한국   대만   중국   일본 
Tubo - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

Tubo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Para sa ibang gamit, tingnan ang Tubo (paglilinaw) .
Tubo Saccharum officinarum sa Kew Gardens, London

Ang tubo /tu·bo/ ay isang genus ng 6 hanggang 37 mga species (depende sa interpretasyong taksonomiya) ng mga matataas na damo (pamilya Poaceae, tribo Andropogoneae ), likas sa maiinit na lugar sa rehiyong tropikal ng Lumang Mundo . Ang mga ito ay matataba, maraming hilatsa ang tangkay, sa taas na 2 hanggang 6 na metro, at mayaman ang dagta nito sa asukal .

Mayroong 13 milyong hektarya ng mga patanimang bukid ng tubo sa buong mundo, kasama ang mahigit sa 100 bansa na pinapatubo ang tanim. Kabilang sa malalaking tagapag-ani ang Brazil , India , at Tsina .

Sa Pilipinas , ang pulo ng Negros (kung saan matatagpuan ang lalawigan ng Negros Occidental at Negros Oriental ), ang sentro ng mga taniman ng mga tubo. Tinatayang nasa 2/3 ng mga tubo sa Pilipinas ay tinatanim dito.

Tinatawag na sanduyong ang mga uri ng tubong may mapupula 't purpurang kulay. [1] Tinagurian namang taad ang mga putol ng tubong itinatanim para makapagpatubo ng bagong halamang tubo. [1]

Mga sanggunian [ baguhin | baguhin ang wikitext ]

  1. 1.0 1.1 English, Leo James (1977). "Sanduyong, taad" . Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN   9710810731 . {{ cite ensiklopedya }} : CS1 maint: date auto-translated ( link )

BotanikaAgrikultura Ang lathalaing ito na tungkol sa Botanika  at Agrikultura ay isang usbong . Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.