Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang
tiroideo
o
teroydeo
(
Ingles
:
thyroid
) ay isa sa pinakamalaking
glandula
sa
sistemang endokrina
na binubuo ng dalawang magkaugnay na lobo. Ang tiroideo ay matatagpuan sa ibaba ng
thyroid cartilage
na matatagpuan naman sa gitnang bahagi ng leeg. Ang thyroid cartilage ay ang bumubuo sa laryngeal prominence o “Adams apple." Ang tiroideo ang siyang responsable sa bilis ng metabolismo sa katawan o paggamit ng enerhiya. Kontrolado rin ng tiroideo ang paggawa ng
protina
at ang sensitibidad ng katawan sa ibang ibang hormones. Naglalabas ito ng ibat ibang hormones na tinatawag na T0, T1, T2, T3 (
triiodothyronine
) at T4 (thyroxine o tetraiodothyronine). Ang mga hormones na ito ang siyang gabay ng katawan sa pagpapanatili ng regular na paglaki o kawastuhan ng ibat ibang sistema sa
katawan
. Ang T3 at T4 ay na
sini-synthesize
mula sa iodine at tyrosine. Ang tiroideo din ang siyang nagpapanatili ng tamang
calcium homeostatis
sa katawan sa pamamagitan ng paglikha ng
calcitonin
.
Ayon sa popular o konbensyonal na medisina ang Thyroid-Stimulating Hormone (TSH) ang syang pamantayan ng pagsukat ng tiroideo hormonal output. Gayumpaman, mayroon namang alternatibong manggamot naman ang naniniwalang ang TSH ay hindi sapat na batayan o sukat ng thyroid hormonal output. Ang thyrotropin-releasing hormone (TRH) na isang hormone na nilalabas ng hypothalamus ay ang syang re-regulate ng TSH.
Ang tiroideo ay hugis
paru-paro
at binubuo ng dalawang tila apang pakpak o lobo. Ang mga lobong ito ay tinatawag na
lobus dexter
(kanang lobo) o
lobus sinister
(kaliwang lobo). Ang isthmus ang siyang nagdudugtong sa dalawang lobo. Ang bawa sa ay may tinatayang sukat na 5 sentimetrong haba, 3 sentimong lapad at 2 sentimetrong kapal. Matatagpuan ang tiroideo sa harapang bahagi ng leeg na nakapalibot sa larynx o trachea. Konektado pababa ng tiroideo ay ang esophagus at ang carotid sheat. Sa posisyong anatomikal ang tiroideo ay matatagpuang nakahilig sa ibabaw ng thyroid cartilage (sa ibaba ng laryngeal prominence o Adams Apple). Ang tila papayapos na pisikal na lokasyon ng tiroideo ay umaabot mula sa ika lima o anim na tracheal ring. Mayroong kahirapan markahan ang itaas at ang ibabang pisikal na hangganan ng tiroideo dahil maging ang paggalaw ng leeg o paglunok ay sapat na baguhin ang lokasyon ng tiroideo. Maypagkakataon na mayroong ikatlong lobo (pyramidal lobe).