Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Si
Thor Heyerdahl
(6 Oktubre 1914,
Larvik
,
Noruwega
? 18 Abril 2002,
Colla Micheri
,
Italya
) ay isang Noruwegong
etnograpo
at
adbenturero
na mayroong kaalaman sa
soolohiya
at
heograpiya
. Naging tanyag siya dahil sa kaniyang ekspedisyong
Kon-Tiki
, kung kailan naglayag siya ng 8,000 km (5,000 mi) sa pagtawid sa
Karagatang Pasipiko
habang nakasakay sa isang
balsang
siya ang may-gawa, magmula sa
Timog Amerika
hanggang sa
Kapuluang Tuamotu
noong 1947. Ang expedisyon ay idinisenyo upang ipamalas na ang
sinaunang mga tao
ay maaaring nakagawa ng malayuang mga paglalakbay sa dagat, na nakalikha ng mga pakikipag-ugnayan sa pagitan ng tila magkakahiwalay na mga kultura. Naiugnay ito sa isang modelong
dipyusyonista
ng pag-unlad ng kalinangan. Sa paglaon, gumawa pa si Heyerdahl ng iba pang mga paglalakbay na idinisenyo upang maipakita ang posibilidad ng pakikipag-ugnayan sa pagitan ng malawakang napaghiwalay na sinaunang mga tao. Naitalaga siya bilang
iskolar ng pamahalaan
noong 1984.
Noong Mayo 2011, ang Mga Arkibong Thor Heyerdahl o
Thor Heyerdahl Archives
ay naidagdag sa Rehistro ng "
Alaala ng Mundo
" ng
UNESCO
.
[1]
Noong panahong iyon, ang talang ito ay nagbibilang ng 238 na mga kalipunan magmula sa lahat ng mga bahagi ng daigdig.
[2]
Ang Mga Arkibong Heyerdahl ay sumasakop sa mga taon ng 1937 hanggang sa 2002 at kinabibilangan ng mga kalipunang potograpiko (may mga larawan), mga talaarawan, mga plano ng ekspedisyon, mga artikulo, mga
clipping
o mga ginupit na mga artikulo mula sa mga pahayagan, mga orihinal na mga manukrito ng aklat at pang-artikulo. Ang Mga Arkibong Heyerdahl ay pinangangasiwaan ng
Museong Kon-Tiki
at ng
Pambansang Aklatan ng Noruwega sa Oslo
.