Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang
Therapsida
ay isang pangkat ng pinaka-maunlad na mga
synapsida
at kinabibilangan ng mga ninuno ng mga
mamalya
.
[1]
Ang maraming mga katangian na nakikita ngayong walang katulad sa mga
mamalya
ay may pinagmulan sa loob ng mga sinaunang therapsida kabilang ang posturang nakatayo at
laktasyon
. Ang pinakaunang
fossil
na itinuturo sa therapsida ang
Tetraceratops insignis
na natagpuan sa strata ng Panahong Mababang
Permian
.
[2]
[3]
Ang mga therapsida ay nag-
ebolb
mula sa mga
pelycosauro
na spepisipiko mula sa mga
Sphenacodontia
275 milyong taon ang nakalilipas. Pinalitan ng mga ito ang mga pelycousauro bilang mga nananaig na mga malalaking hayop na panglupain sa panahong Gitnang
Permian
. Ang mga ito ay nanatili na nananaig na fauna hanggang sa mapalitan ng mga
arkosauro
at
rhynchosaur
sa panahong Gitnang
Triassic
bagaman ang ilang mga therapsida halimbawa ng mga
kannemeyeriiform
ay nanatiling diberso sa Huling Triassic. Ang mga therapsida ay kinabibilangan ng mga
cynodont
na nagpalitaw sa mga
mamalya
sa Huling Triassic mga 225 milyong taon ang nakalilipas. Sa mga hindi hindi-mamalyang therapsida, ang tanging mga cynodont at
dicynodont
ang nakaligtas sa
pangyayaring ekstinksiyong Triassic-Hurasiko
. Ang huli ng mga hindi-mamalyang therapsidad na mga cynodont
tritylodontid
ay naging ekstinkt sa Simulang
Kretaseyoso
mga 100 milyong taon ang nakalilipas.
- ↑
Romer, A.S. (1933).
Vertebrate Paleontology
. University of Chicago Press.
CS1 maint: date auto-translated (
link
)
, 3rd ed., 1966.
- ↑
M.Laurin & R.R. Reisz. 1996. The osteology and relationships of
Tetraceratops insignis
, the oldest known therapsid.
Journal of Vertebrate Paleontology
16(1): 95-102.
- ↑
J. Liu, B. Rubidge & J. Li, New basal synapsid supports Laurasian origin for therapsids, 2009, Acta Palaeontol. Pol., 54 (3): 393-400