Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang
teorya ng sustansiya
, o
teorya ng sustansya-katangian
, ay isang
pang-ontolohiyang
teorya tungkol sa pagkabagay na nagpapalagay na naiiba ang isang
subtansiya
sa katangian. Ang
bagay-mismo
ay isang nagdadala ng katangian na kailangang ipagkaiba mula sa mula katangian na dala nito.
[1]
Sa
Silanganing pilosopiya
,
svabhava
ang katumbas na konsepto.
Sa
pilosopiya
, ang
sustansiya
ang "
katas
" ng isang bagay na nagbibigay-katiyakan dito. Ito ang
katuturan
,
saysay
,
nilalaman
o
laman
,
ubod
,
buod
,
esensiya
,
kabuluhan
,
diwa
,
katotohanan
ng bagay.
[2]
Hindi maaaring umiral ang isang bagay kung wala nito. Mula sa
Latin
na
sub
(sa ilalim) at
stancia
(tumayo/tumindig) ang salitang
sustansiya
. Kapag nahukay na natin ang paimbabaw na pagkakabalot ng isang bagay, doon pa lamang natin makikita ang pang-ilalim na sandigan ng isang bagay. Masasabi din natin na "pinakapuso" ng isang bagay ang kanyang "buod"/"pinakabuod".