Ang teokrasya ay isang anyo ng organisasyon o pamahalaan kung saan ang opisyal na patakaran ay umaayon sa doktrina o teolohiya ng isang partikular na sekta o relihiyon. Ang mga kapangyarihan o autoridad nito ay kinabibilangan ng Supreme Leader of Iran , Dalai Lama , papa , pari o mga pangkat gaya ng Taliban . Ito ay maaari ring tumukoy sa sinumang mga opisyal na nagpahayag na hinirang sila ng Diyos upang maging pinuno. Maaari rin itong katawagan para sa nasyon o bansang nasa ilalim ng sistemang teokrasya . Tinatawag na teokrato o teokratiko ang pinuno sa sistemang teokrasya o tawag din para sa taong naniniwala sa teokrasya. [1]
Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao , Pamahalaan at Pananampalataya ay isang usbong . Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.