Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
- Huwag ikalito sa
bronse
na tinatawag din tansong dilaw.
Isang
astrolyabyang
gawa sa tansong dilaw
Ang
tansong dilaw
(Ingles:
brass
) ay isang
haluang metal
na binubuo ng
tanso
at
sink
; ang tumbasan o proporsiyon ng sink at tanso ay maaaring magkakaiba upang makalikha ng isang kasaklawan ng mga
brasa
na may iba't ibang mga katangian o kaariang katangian.
[1]
Bilang paghahambing, ang
tansong pula
o bronse ay pangunahing isang haluang metal na binubuo ng tanso at
lata
.
[2]
Ang tansong pula ay hindi talaga nangangailangang maglaman ng lata, at ang isang kasamu't sarian ng mga haluang metal na may tanso, kabilang na ang mga haluang metal na may
arseniko
,
posporo
,
aluminyo
,
mangganesa
,
Ang tansong dilaw ay isang
pamalit na haluang metal
. Ginagamit ito sa pagpapalamuti dahil sa anyo nitong makintab na tila
ginto
; para sa mga paggamit kung saan kailangan ang mababang
pagpipingkian
o pagkikiskisan na katulad ng sa mga
kandado
,
enggranahe
,
kiyas
,
busol
,
bala ng sandata
, at
balbula
; para sa mga kagamitang
pangpagtutubero
at
pangkuryente
; at nang malawakan sa
instrumentong pangmusikang
katulad ng mga
tambuli
,
torotot
, at mga
kuliling
dahil sa mga katangian nitong akustiko. Ginagamit din ito sa para sa mga
siper
. Dahil sa mas malambot ito kaysa sa karamihan ng iba pang mga metal, sa pangkalahatang paggamit, ang tansong dilaw ay madalas na ginagamit sa mga sitwasyon kung saan mahalaga na ang tilamsik ng apoy o pagsiklab ay hindi tumalab, katulad ng sa mga pangkabit at mga kasangkapang nasa paligid ng sumasabog na mga gas o hangin.
[3]
- ↑
Engineering Designer 30(3): 6-9, Mayo?Hunyo 2004
- ↑
Machinery Handbook
, Industrial Press Inc, New York, Edisyong ika-24, p. 501
- ↑
OSH Answers: Non-sparking tools
. Ccohs.ca (2011-06-02). Nakuha noong 2011-12-09.
Ang lathalaing ito na tungkol sa
Kimika
ay isang
usbong
. Makatutulong ka sa
Wikipedia
sa
pagpapalawig
nito.