Pangalan
|
(Mga) Retrato
|
(Mga) dinadaanang lungsod
|
(Mga) bahagi
|
Haba
|
Paglalarawan
|
Mga sanggunian
|
Daang Radyal Blg. 1
R-1
|
|
Lungsod ng Maynila
Pasay
Las Pinas
Bacoor
, Kabite
Kawit
Rosario
Tanza
Naic
|
|
41.5 kilometro (25.8 milya)
|
Kinokonektahan ng R-1 ang
Maynila
sa lalawigan ng
Kabite
. Nagsisumula ito bilang Daang Bonifacio mula sa Tulay ng Roxas sa ibabaw ng
Ilog Pasig
at magiging Bulebar Roxas pagkapasok ng paligid ng
Liwasang Rizal
. Tatahakin nito ang baybayin ng
Look ng Maynila
at mayamaya'y, paglampas ng
Daang NAIA
sa
Paranaque
, magiging Manila?Cavite Expressway (o CAVITEx). Bilang CAVITEx, tutuloy ang R-1 sa pagdaan sa baybayin at magiging Lansangang Anterio Soriano pagpasok ng
Kawit
. Tutoloy ito sa pagtahak ng dalampasigan ng Kabite hanggang matapos ito sa sangandaan ng
Daang Juanito Remulla Sr.
sa
Naic
.
|
[3]
|
Daang Radyal Blg. 2
R-2
|
|
Maynila
Pasay
Paranaque
Las Pinas
Bacoor
, Kabite
Imus
Dasmarinas
Silang
Tagaytay
Talisay
, Batangas
|
|
64.2 kilometro (39.9 milya)
|
Kalinya ng R-2 ang R-1 na nasa kanluran nito, at tulad ng R-1, ay kinokonektahan nito ang
Maynila
sa
Kabite
. Nagsisimula ito bilang Abenida Taft sa
Ermita, Maynila
. Tatahakin nito ang patimog na ruta patungong
Malate, Maynila
at
Pasay
, at pagpasok ng Baranggay Baclaran,
Paranaque
, ay magiging Abenida Elpidio Quirino na isang pangunahing lansangan sa nabanggit na arrabal (
suburb
) ng Maynila. Magiging Abenida Diego Cera ang R-2 pagpasok ng Las Pinas at, paglampas ng
Daang Alabang?Zapote
, magiging Lansangang Aguinaldo. Ito ang pangunahing lansangan ng Kabite na nagtatapos sa Rotondang Tagaytay; tutuloy ang Lansangang Aguinaldo sa direksiyong patimog-kanluran patungong
Nasugbu
sa
Batangas
. Subalit, tutuloy ang R-2 paglampas ng rotonda sa direksiyong patimog at magiging Daang Tagaytay?Talisay, isang lansangang sigsag na tatapos sa Daang Talisay-Laurel sa
Talisay, Batangas
, sa harap ng
Lawa ng Taal
. Sumusunod ang
Unang Linya ng LRT
sa ruta ng R-2 mula Ermita, Maynila hanggang
EDSA
.
|
[7]
|
Daang Radyal Blg. 3
R-3
|
|
Maynila
Makati
Pasay
Taguig
Las Pinas
San Pedro
, Laguna
Binan
Santa Rosa
Cabuyao
Calamba
Santo Tomas
, Batangas
Tanauan
Malvar
Lipa
Ibaan
Lungsod ng Batangas
|
|
96 kilometro (60 milya)
|
Ang buong R-3 ay isang mabilisang daanan (
expressway
), maliban na lamang sa bahagi ng South Luzon Expressway mula
Abenida Quirino
(ang dulo nito sa hilaga) hanggang C-5. Kapwa ipinapatakbo ng Skyway Operation and Management Corporation (SomCo) at Citra Metro Manila Tollways Corporation (CMMTC) ang South Luzon Expressway at Metro Manila Skyway, na isang nakaangat na mabilisang daanan sa ibabaw ng South Luzon Expressway mula
Makati
hanggang
Muntinlupa
. Bagaman nasa
Liwasang Rizal
ang
Kilometro Sero
ng mga daan, nagsisimula ang R-3 sa sangandaan nito sa
Abenida Quirino
. Tatahakin ng daang radyal ang deretsong ruta patimog, mula
Paco, Maynila
, hanggang
Santo Tomas
,
Batangas
, kung saan magiging Southern Tagalog Arterial Road (o STAR Tollway) ang R-3. Ang nasabing mabilisang daanan ay matatapos sa Pantalan ng Batangas sa
Lungsod ng Batangas
.
|
[8]
|
Daang Radyal Blg. 4
R-4
|
|
Makati
Pateros
Pasig
Taguig
Taytay
, Rizal
|
- Kalye Linyang Pasig
- Abenida Kalayaan
- Abenida M. Concepcion
- Daang Elisco
- Highway 2000
(Phase 1)
|
23.5 kilometro (14.6 milya)
|
Ang R-4 mismo ay hindi pa kompleto sa ngayon. Nagsisimula ito bilang Kalye Linyang Pasig sa sangandaan ng
Kalye Pedro Gil
at magiging Abenida Kalayaan pagpasok ng
Makati
bago ito tatapos nang biglaan sa sangandaan ng Rockwell Drive sa harap ng subdibisyon ng Bel Air-3. Ang makatuwirang tagapagpatuloy ng R-4 ay mula sa sangandaan ng
EDSA
at
Abenida Gil Puyat
. Dadaan sa hilagang-silangang Makati at mayamaya'y magiging Abenida M. Concepcion pagpasok ng hangganang
Pateros
-
Pasig
. Pagdating sa pook-industryal ng Baranggay Kalawaan, Pasig, magiging Daang Elisco ang R-4. Subalit muling tatapos ang R-4 sa sangandaan ng Abenida Doktor Natividad sa Napindan,
Taguig
. Tutuloy muli ang R-4 bilang Highway 2000 sa silangan ng
Manggahan Floodway
sa
Taytay
,
Rizal
. Tatapos ang R-4 sa sangandaan ng Taytay Diversion Road (R-5) malapit sa kabayanan ng Taytay. Ang ipinapanukalang
Pasig River Expressway
ay minarkahang R-4.
|
[9]
|
Daang Radyal Blg. 5
R-5
|
|
Maynila
Mandaluyong
Pasig
Cainta
, Rizal
Taytay
Angono
Binangonan
Cardona
Morong
Baras
Tanay
Pililla
Mabitac
, Laguna
Famy
Pangil
Pakil
Paete
Kalayaan
Lumban
Pagsanjan
|
|
86.1 kilometro (53.5 milya)
|
Nagsisimula ang R-5 sa sangandaan ng
Bulebar Magsaysay
sa mga hilagang pampang ng Ilog Pasig, na kalinya ng R-4 na nasa mga katimugang pampang ng nabanggit na ilog. Papasok ang R-5 sa
Mandaluyong
at magiging mahalagang lansangan sa mga distritong komersyal at industryal sa nasabing lungsod at
Pasig
(tulad ng
Ortigas
). Di-kalaunan, magiging
Manila East Road
ang R-5, ang pangunahing koridor pantransportasyon sa mga lalawigan ng
Rizal
at
Laguna
.
|
[10]
|
Daang Radyal Blg. 6
R-6
|
|
Maynila
San Juan
Lungsod Quezon
Marikina
Pasig
Antipolo
, Rizal
Tanay
,
Santa Maria
, Laguna
Infanta
, Quezon
|
|
121.6 kilometro (75.6 milya)
|
Nagsisimula ang R-6 sa sangandaan ng
Abenida Recto
at
Kalye Mendiola
sa
Maynila
. Ito'y magiging pinakamahalagang daan ng
Santa Mesa
at mayamaya'y papasok sa mga distrito ng New Manila at Cubao sa
Lungsod Quezon
(bilang Bulebar Aurora) paglampas ng
Abenida Gregorio Araneta
. Paglampas ng
Abenida Katipunan
(C-5) magiging Lansangang Marikina?Infanta ang R-6. Dadaan ang lansangan sa mga lungsod ng
Marikina
at
Pasig
bago ito pumasok sa lalawigan ng
Rizal
. Tatahakin nito ang nabanggit na lalawigan at matatapos sa isang
dead end
sa
Infanta
,
Quezon
kalaunan. Ang
Ikalawang Linya ng LRT
ay sumusunod sa ruta ng R-6 mula
San Miguel, Maynila
hanggang
Calumpang, Marikina
.
|
[11]
|
Daang Radyal Blg. 7
R-7
|
|
Maynila
Lungsod Quezon
Hilagang Caloocan
San Jose del Monte
, Bulacan
Norzagaray
Angat
Bustos
San Rafael
San Ildefonso
San Miguel
Gapan
, Nueva Ecija
San Leonardo
Santa Rosa
Cabanatuan
|
|
53.6 kilometro (33.3 milya)
|
Nagsisimula ang R-7 mula sa
Quiapo
,
Maynila
. Tatahakin nito ang direktang ruta patungong
Lungsod Quezon
, hanggang sa
Quezon Memorial Circle
. Paglampas, magiging Abenida Commonwealth ang R-7, ang pinakamalawak na lansangan sa Pilipinas. Dadaanin nito ang nalalabing bahagi ng Lungsod Quezon hanggang sa matapos ito sa sangandaan ng Lansangang Quirino sa ligid ng distrito Lagro. Tutuloy ang R-7 pahilaga patungong
San Jose del Monte
at
Norzagaray
, Bulacan. Tatapos ang R-7 sa sangandaan ng Lansangang Heneral Alejo Santos sa kabayanan ng Norzagaray. Ang kasalukuyang itinatayo na
North Luzon East Expressway
(o R-7 Expressway) ay ang magpapatuloy ng R-7 sa darating na hinaharap.
|
[12]
[13]
|
Daang Radyal Blg. 8
R-8
|
|
Maynila
Lungsod Quezon
Caloocan
Valenzuela
Meycauayan
, Bulacan
Marilao
Bocaue
Balagtas
Guiguinto
Pulilan
Apalit
, Pampanga
San Simon
San Fernando
Angeles
Mabalacat
Concepcion
, Tarlac
Lungsod ng Tarlac
Victoria
Gerona
Ramos
Anao
San Manuel
Rosales
, Pangasinan
Urdaneta
Binalonan
Pozorrubio
Rosario
, La Union
|
|
210.0 kilometro (130.5 milya)
|
Nagsisimula ang R-8 mula sa
Tulay ng Quezon
sa
Quiapo
. Tatahakin nito ang direktang ruta pahilaga, at magiging North Luzon Expressway (NLEx) ito paglampas ng Balintawak Cloverleaf na sangandaan nito sa
EDSA
. Paglampas ng Labasan ng Santa Ines, magiging Subic?Clark?Tarlac Expressway (SCTEx) ang R-8. Tatahakin nito ang rutang pahilaga patungong
Lungsod ng Tarlac
, at magiging Tarlac?Pangasinan?La Union Expressway (TPLEx) paglampas nabanggit na lungsod. Tatapos ito sa
Rosario, La Union
.
|
[14]
[15]
|
Daang Radyal Blg. 9
R-9
|
|
Maynila
Caloocan
Valenzuela
Meycauayan
, Bulacan
Marilao
Bocaue
Balagtas
Guiguinto
Malolos
Calumpit
Apalit
, Pampanga
San Fernando
Angeles
Mabalacat
Bamban, Tarlac
Capas
Lungsod ng Tarlac
Gerona
Paniqui
Moncada
San Manuel
Rosales
, Pangasinan
Villasis
Urdaneta
Binalonan
Pozorrubio
Sison
Rosario
, La Union
Pugo
|
|
228.0 kilometro (141.7 milya)
|
Nagsisimula ang R-9 sa Tulay ng MacArthur mula sa
Abenida Padre Burgos
. Susundan into ang tuwirang ruta pahilaga kalinya ng R-8. Magiging Lansangang MacArthur ang daang radyal pagdaan ng Monumento Roundabout sa Grace Park,
Caloocan
. Magtutuloy ito sa direksiyong pahilaga hanggang sa matapos ito sa sangandaan nito sa
Lansangang Aspiras-Palispis
sa
Pugo
,
La Union
. Sinusundan ng
Unang Linya ng LRT
ang ruta ng R-9 mula Maynila hanggang Grace Park, Caloocan.
|
[16]
|
Daang Radyal Blg. 10
R-10
|
|
Maynila
Malabon
Navotas
Obando
, Bulacan
Malolos
Hagonoy
Macabebe
, Pampanga
Lubao
Bagac
, Bataan
Balanga
|
- Bulebar Mel Lopez
- Daang Radyal Blg. 10
(
Radial Road 10
o
Road 10
)
- Daang Coastal ng Maynila?Bataan
(
Manila?Bataan Coastal Road
)
|
105.0 kilometro (65.2 milya)
|
Sa ngayon, ang R-10 ay isang lansangang may haba na 9.7 kilometro (6.9 milya) at matatagpuan sa lungsod ng
Maynila
. Dati, mayroong ipinapanukalang proyekto na magpapatuloy ng R-10 patungong
Bataan
bilang Daang Pandalampasigan ng Maynila?Bataan. Matagal nang nawala ang proyekto, ngunit binuhay ito muli ng mga mataas na pinuno ng pamahalaan ng Gitnang Luzon sa pamumuno ng tagapangulo ng RDC at alkalde ng
Lungsod ng San Fernando
na si Oscar Rodriquez at Gobernador Hermogenes Ebdane, Jr. ng lalawigan ng
Zambales
. Inaprubahan ang CLIP para sa mga taong 2011 hanggang 2016 sa ikaanim na pagpupulong ng RDC sa
Balanga
kamakailan lamang.
|
[17]
|