Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang hierarkiya ng
byolohikong klasipikasyon
ng mga walong pangunahing taksonomiyong ranggo.
Hindi ipinakita ang mga menor na ranggo
.
Ang
Taksonomiya
ay ang
agham
ng pag-uuri ng mga biyolohikong
organismo
sa basehan ng mga pare-parehas na katangian at pagbibigay pangalan sa mga ito. Ang mga organismo ay inuuri sa
taxa
(isahan: taxon) at binibigyan ng
ranggo pang-taksonomiya
; mga grupo ng isang antas ay pwedeng pagsama-samahin upang makabuo ng isang super group ng mas mataas na antas na tinatawag na herarkiyang pang-taksonomiya.
[1]
[2]
Ang Suwekong botanista na si
Carolus Linnaeus
ay itinuturing na ama ng Taxonomy; nakagawa siya ng sistema na
Linnaean classification
na nakakapag-uri ng mga organismo at
pangalang dalawahan
upang mapangalanan ang mga ito.
Sa pamamagitan ng mga iba't-ibang larangan ng pagaaral katulad ng
pilohenetika
,
kladistika
at
sistematika
, ang Linnaean system ay naging isang sistema ng modernong byolohikong pag-uuri batay sa mga
ebolusyonaryong
relasyon sa pagitan ng mga organismo, buhay o ekstinto.
Ang taksonomiya ay tinawag na "pinakalumang hanapbuhay ng mundo", ang pagpapangalan at pag-uuri ng ating paligid ay malamang nagaganap na noon pa mang kaya ng tao makipagusap. Laging mahalaga ang pagkaka-alam ng pangalan ng mga nakakalason at nakakain na halaman at hayop upang maipasa ang impormasyon na ito sa ibang mga miyembro ng pamilya.
- ↑
Judd, W.S., Campbell, C.S., Kellog, E.A., Stevens, P.F., Donoghue, M.J. (2007) Taxonomy. In
Plant Systematics ? A Phylogenetic Approach, Third Edition
. Sinauer Associates, Sunderland.
- ↑
Simpson, Michael G. (2010). "Chapter 1 Plant Systematics: an Overview".
Plant Systematics
(ika-2nd (na) edisyon). Academic Press.
ISBN
978-0-12-374380-0
.
{{
cite book
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
Ang lathalaing ito na tungkol sa
Biyolohiya
ay isang
usbong
. Makatutulong ka sa
Wikipedia
sa
pagpapalawig
nito.