Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Nakaturo ang "Porto Alexandre" dito. Para sa look na kinaroroonan ng lungsod ng Tombwa, tingnan ang
Porto Alexandre (look)
.
Ang
Tombwa
[1]
[2]
(na kilala rin bilang
Tombwa
,
[3]
[4]
Tombua
o
Tombwe
at dating tinawag na
Porto Alexandre
) ay isang
munisipalidad
at lungsod sa
lalawigan ng Namibe
, timog-kanlurang
Angola
.
Matatagpuan ito sa katimugang baybaying-dagat ng
Porto Alexandre
, isang mahalagang daungan sa Katimugang
Karagatang Atlantiko
para sa paggawa ng petrolyo at pangingisda. Ang pantalan ay may mga pasilidad ng palamigan na itinayo kalakip ng tulong ng
Unyong Europeo
(EU) sa pagawaan ng paglalata sa Tombwe.
[5]
Noong panahon ng Portuges na Angola, ang Tombwa (tinawag noon na
Porto Alexandre
) ay ang pinakamalaking pantalan ng pangingisda sa Angola at isa sa pinakamalaki sa kanlurang baybaying-dagat ng Aprika. Itinatag ito ng mga mangingisda mula sa
Olhao
,
Algarve
noong 1863 sa isang protektadong look, at sinamahan sila noong 1921 ng mga mangingisda ng
Povoa de Varzim
na nilisan ang
Brasil
sa kadahilanang ayaw nilang mawala ang pagkamamamayang Portuges kung sila ay naging mga mamamayang Brasilyan. Dahil sa industriyang pangingisda, nakamit ng Porto Alexandre ang katayuang panlungsod noong 1961.