Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang programang
Sputnik
ay isang serye ng mga misyong pang-kalawakan na inilunsad ng
Unyong Sobyet
noong huling mga taon ng
dekada 1950
para ipakita ang pagiging praktikal ng mga artipisyal na
satellite
. "Kasama sa pagbabiyahe" ang ibig sabihin ng salitang
Ruso
na "Спутник". Ang pagsasabi ng salitang ito sa Ruso ay [?sput?n??k] o spoot'-neek, kung saan ang
spoot
ay sinasabi parang
boot
, ngunit ang kadalasang pagsasabi nito sa
Ingles
ay /?sp?tn?k/, / ?sp?tn?k/ o sputt'-nick, kung saan ang
sputt
ay sinasabi parang
nut
.
Dinala sa
orbit
ng mga R-7
launch vehicle
ang mga Sputnik, na orihinal na inatasan na magdala ng bombang nuklear.
Nagulat ang
Estados Unidos
sa sorpresang paglunsad ng Sputnik 1, na nangyari pagkatapos ang pagkabigo sa dalawang pagsubok ng Proyektong Vanguard, na sumunod na nagpadala ng mga
satellite
, kasama ang
Explorer I
,
Proyektong SCORE
,
Advanced Research Projects Agency
at Courier 1B. Idinulot din ng Sputnik ang pagkakatatag ng
NASA
at pagtaas ng perang ginagamit ng pamahalaan ng Estados Unidos sa pananaliksik at edukasyon.
Ang lathalaing ito na tungkol sa
Astronomiya
ay isang
usbong
. Makatutulong ka sa
Wikipedia
sa
pagpapalawig
nito.