Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang
solar cell
o
photovoltaic cell
(literal sa
Tagalog
:
selyulang pang-araw
) ay isang aparatong
semikonduktor
na dinisenyo upang kumolekta ng
enerhiya
mula sa
araw
at gawin itong
kuryente
. Ang kaisipan ukol sa
teknolohiyang
ito ay nagsimula pa noong 1839 sa isang pananaliksik ng isang
Pranses
na pisiko na nagngangalang Antoine-Cesar Becquerel. Napagtanto ni Becquerel ang epektong tinatawag na
photovoltaic
habang nag-eeksperimento sa isang
electrode
na nasa isang
electrolyte
na solusyon, sinasabing nakita niyang nagkaroon ng
boltahe
ng tamaan ng ilaw ang
electrode
.
[1]
Noong 1905, nagbigay ng malalim na pagsisiyasat si
Albert Einstein
tungkol sa mga katangian ng ilaw at ang pag-uugali nito. Inilarawan niya din ang epektong potoelektrikko na kung saan nakabatay ang teknolohiya ng
photovoltaic cell
.
[2]
Ang solar cell ay gawa sa isang materyal na semikonduktor, halimbawa na lamang ay ang
silikon
. Kapag pinatamaan ng ilaw na may sapat na enerhiya ang aparato napapakawalan ang ilang
elektron
mula sa mga
atomo
ng materyal na ginamit kung kaya't malaya na itong makakagalaw sa materyal. Sa pamamagitan ng paglalagay ng
electric field
na positibo sa isang dulo at negatibo naman sa kabilang dulo, napapaagos ang mga elektron sa isang direksiyon na nagdudulot ng kuryente. Sa tulong mga
metal
na pang-kabit, maaring mapalabas ang kuryenteng ito para magamit sa iba pang aparato tulad ng
kalkulador
, ilaw, at iba pa.
[3]
Sa kasalukuyan, malaking interes ang inilalaan ng solar cell bilang susi sa malinis enerhiya. Ngunit marami pang limitasyon ang teknolohiyang ito na humahadlang sa pag-unlad at paglaganap nito. Ilan sa mga limitasyon nito ay ang mga sumusunod:
- Bagaman walang bayad ang sikat ng araw na siyang pangunahing pinagkukunan ng enerhiya para sa teknolohiyang ito, may kamahalan ang paggawa ng mismong aparato.
- Ang enerhiyang nailalabas maging ng mga pinakabagong disenyo ng solar cell ay higit na mababa kumpara enerhiyang kayang ibigay ng araw.
- Kakulangan ng magandang teknolohiya para sa pag-iimbak ng enerhiyang mula sa solar cell.
Patuloy naman ang mga mananaliksik sa pag-aaral upang malagpasan ang mga limitasyon na ito. Patuloy sila sa paghahanap ng bagong mga materyal at pamamaraan upang mas mapaunlad pa ang teknolohiyang ito.