Smart Araneta Coliseum
|
|
|
Former names
| Araneta Coliseum (1960?2011)
|
---|
Lokasyon
| Araneta Center
,
Cubao
,
Quezon City
,
Metro Manila
|
---|
Mga koordinado
| 14°37′14″N
121°3′12″E
/
14.62056°N 121.05333°E
/
14.62056; 121.05333
|
---|
Public transit
|
3
Araneta Center?Cubao
2
Araneta Center?Cubao
|
---|
May-ari
| Progressive Development Corporation
|
---|
Opereytor
| United Promotions, Inc. (Uniprom)
|
---|
Capacity
| Basketball: 15,959
[1]
Concert: 9,679
[2]
Boxing: 15,895
[3]
Full house: 16,035
[4]
to 20,000
[5]
Record: 25,000?36,000
[6]
|
---|
Scoreboard
| ADSystems 4-side LED display (Big Cube), OES ISC9000 Controller, and Homeworks Trading timer
|
---|
|
Broke ground
| 1957
|
---|
Built
| 1958
|
---|
Binuksan
| March 16, 1960
|
---|
Ayos
| 1999
|
---|
Construction cost
| ?6 million
(1958)
|
---|
Architect
| Dominador Lugtu
|
---|
|
NCAA
(1960?2012)
UAAP
(1960?kasalukuyan)
PBA
(1975?1984, 1995?kasalukuyan)
Binibining Pilipinas
(1964?kasalukuyan)
UNTV Cup
(2013?kasalukuyan)
Philippine Super Liga
(2014?kasalukuyan)
MPBL
(2018?kasalukuyan)
|
Ang
Smart Araneta Coliseum
, kilala rin bilang
The Big Dome
ay isang arinang panloob na matatagpuan sa Cubao,
Lungsod Quezon
sa
Pilipinas
. Ito ay maituturing na pinakamalaking
koliseo
sa buong
Timog-Silangang Asya
. Binansagang
"The Big
Dome
"
o "Ang Malaking
Simboryo
", ang diametro ng simboryo ay mayroong lapad 108 na metro.
Ang Smart Araneta Coliseum ay madalas ginagamit sa pangpalakasan tulad ng basketbol, ito ay ang pangunahing lugar laruan ng
Philippine Basketball Association
[7]
,
National Collegiate Athletic Association
, at ng
University Athletic Association of the Philippines
. Ang Big Dome ay ginagamit rin para sa boksing, sabungan, lokal at internasiyonal na konsiyerto, sirkus, pagtitipong panrelihiyon, maringal na pagtatanghal at marami pang iba.
[8]
Ang Araneta Coliseum noong ginagawa pa ito
Ang Araneta Coliseum noong dekada 1960.
Noong 1952, binili ni J. Amado Araneta ang 35-hektariyang lupain sa Cubao na sa kasalukuyan ay ang
Araneta Center
mula sa
Radio Corporation of America
(RCA). Ang lupain, kasama na ang bahay ng mga Araneta, ay napapaligiran ng
Epifanio Delos Santos Avenue
,
Aurora Boulevard
, P. Tuazon at 15th Avenue.
Ang paggawa ng Araneta Coliseum ay sinimulan noong 1957 at natapos noong 1959. Mula 1960 hanggang 1963, ang koliseo ay tumanggap ng pandaigdigang pagkilala bilang ang pinakamalaking panloob na koliseo sa mundo. Sa kasalukuyan, kinikilala pa rin ang koliseo na isa sa pinakamakamalawak na "clear span dome" sa buong mundo at ang pinakamalaking panloob na pasilidad sa Asya.
[9]
Ang koliseo ay binuksan noong 16 Marso 1960 upang itanghal ang laban nina
Gabriel "Flash" Elorde
at ng
Amerikanong
si
Harold Gomes
para sa World Junior Lightwight na kampiyonato. Ang "general admission" ay nagkakahalaga noon ng 80 sentimo at ang reserbang seksiyon ay limang piso.
Ilan sa mga mahahalagang kaganapan na nangyari sa koliseo ay ang ika-11 at ika-34 na parangangal ng FAMAS, ang 1975
Thrilla in Manila
; isang labanang boksing sa pagitan nina
Muhammad Ali
at
Joe Frazier
, at ang taunang
Binibining Pilipinas
. Ang
Philippine Basketball Association
(PBA) ay nakapaglaro ng mahigit kumulang isang libong laro sa koliseo bilang ng 2013. Ang iba pang larong basketbol na tinanghal sa arena ay ang
1978 FIBA World Championship
, isang laro sa pagitan ng kampeon ng 1978 NBA Finals na
Washington Bullets
at isang koponan na pinabibilangan ng mga manlalaro galing sa PBA noong 1979, at ang 1982 Asian Youth Basketball Championship na kung saan nanalo ang Pilipinas laban sa Tsina sa huling laro.
[10]
Sa ikatlong sangkapat ng 1998, ang mga Araneta at ang kompanyang Pilipinas Shell (lokal na kompanya ng
Royal Dutch Shell
) ay nagsimula ng isang negosasyon para sa karapatang pangpangalan ng koliseo na tatagal sana hanggan 2008. Ang mga Araneta, na gustong panatilihin ang pangalan ng koliseo ay tinanggihan ang panukalang pangalang "
Shell Coliseum at the Araneta Center
". Sa halip, ang magkabilang panig ay sumang-ayon sa isang kontratang paglagay ng mga karatula na kung saan ilalagay ang logo at pangalan ng Shell sa sahig pangbasketbol ng arena, isang kasunduang muntikan ng maudlot dahil sa pagtutol ng ibang mga koponan ng PBA (Ang Shell ang may ari ng
Shell Turbo Chargers
na koponan na dating kasapi ng PBA)
[11]
Noong Hulyo 1999, sinimulan ang pagsasaayos ng koliseo sa halagang P200 milyon.
[12]
Ang koliseo ay muling binuksan noong Nobyembre 20 sa parehong taon. Ang mga malaking pagbabago na ginawa sa koliseo ay ang pagsaayos ng "lower box" na lugar, pagpalit ng mga upuan sa patron at lower box seksiyon at ang paglagay ng four-sided center hung scoreboard. Noong 2003, nilagyan ito ng LED display.
Mula 2001 hanggang 2008, ang mga tinanghal na programa sa koliseo na may pinakamalaking kita ay ang labanang boksing nina
Manny Pacquiao
at
Oscar Larios
, na kumita ng 96.2 milyong piso. Ang konsiyerto ng bandang
Westlife
ay dinaluhan ng 17,887 tao at kumita ng 18.5 milyong piso, samantalang ang konsiyerto ni
Cliff Richard
ay kumita ng 17.2 milyong piso kahit na ito ay dinaluhan ng 5,647 katao lamang.
[10]
Noong Disyembre 2010, nagdagdag ng malaking LED screen display na pinalayawang "the Big Cube" para palitan ang lumang iskorbord na nilagay noong pagsasaayos sa koliseo noong 1999.
[13]
Ang LED display ay mas malaki sa lumang nakalagay na scoreboard na may laking 22.22 metro kuwadrado. Una itong ginamit sa pambasketbol na gamit noong semifinal round ng
2010-11 PBA Philippine Cup
noong 5 Enero 2011.
[14]
Bago ginanap ang
Ultimate All-Star Weekend
noong Hulyo 2011, inihayag na ang mga Araneta ay pumasok sa isang kasundun kasama ang
Smart Communications, Inc.
(isang sangay ng
Philippine Long Distance Telephone Company
) para sa karapatang-pangpangalan ng koliseo. Pinagnalanan ang koliseo bilang "
Smart Araneta Coliseum
". Ang kasunduan ay magtatagal ng limang taon at may kasama itong pagsasa-ayos ng arena, tulad ng paglagay ng mga escalators para mapabuti ang pagpasok sa upper box at general admission areas, at ang paggawa ng parking lot na may kapasidad hanggang 2000 kotse.
[11]