Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang
Pacific Ring of Fire
Mga
lindol
sa mundo (1900?2013)
: Mga lindol na magnitud na ≥ 7.0 (lalim na 0?69km)
: Mga aktibong
bulkan
Global map of subduction zones, with subducted slabs contoured by depth
Sona ng
subduksiyon
Ang
Singsing na Apoy ng Pasipiko
(
Ingles
:
Pacific Ring of Fire
o
Ring of Fire
) ay isang lugar na malakihang dami ng mga kaganapang
bulkan
at
lindol
na nangaganap sa
Karagatang Pasipiko
. Ang singsing ng apoy ay isang direktang reulta ng
tektonika ng plaka
sa galaw, banggaan at pagkawasak ng plaka ng
litospero
sa ilalim at paligid ng
Karagatang Pasipiko
.
[1]
Ang mga banggaan ay lumilkha ng tuloy tuloy na serye ng mga
sona ng subduksiyon
kung saan ang mga
bulkan
at
lindol
ay nangyayari. Ang konsumpsiyon ng karagatang litospero ng mga komberhenteng hangganan ng plaka ay bumuo ng mga trench sa karagatang, mga
basin na likod-arko
at mga
sinturon na bulkaniko
. Ang singsing ng apoy ay hindi isang istukturang heolohikal .Ang mga pagputok ng bulkan at mga
lindol
sa bawat bahagi ng singsing ng apoy ay nangyayari ng independiyente sa mga pagputok ng bulkan at mga lindol sa ibang mga bahagi ng singsing ng apoy.
[2]
Ang singsing ng apoy ay naglalaman ng mga 850 hanggang 1,000 bulkan na aktibo noong panahong
Holoseno
.
[3]
[4]
[note 1]
Ang Pilipinas, kasama ang ilang mga bansa sa rehiyong
Asya Pasipiko
, ay nakalatag sa isang malawak na sona na kung tawagin ay
Ring of Fire
, o
Circum-Pacific Seismic Belt
. Ang mga lugar na ito ay nagtataglay ng maraming hanay ng mga
bulkan
, kasama na ang mga
Bulkang Mayon
,
Pinatubo
,
Taal
,
Kanlaon
at
Krakatoa
. Ang pagsabog na mga bulkan ay kadalasang nagdudulot ng pag-
lindol
o paggalaw ng
lupa
na nagbubunsod naman ng mga pagbabago sa pisikal na porma ng anyong lupa at anyong tubig. Tinatayang 81% ng pinakamalakas na lindol sa mundo ay nagaganap dito.
- ↑
The exact number of volcanoes depends on the geographic boundaries used by the source.
Ang lathalaing ito na tungkol sa
Agham
ay isang
usbong
. Makatutulong ka sa
Wikipedia
sa
pagpapalawig
nito.