Ang
sinaunang Malapit na Silangan
(Ingles:
ancient Near East
) ay ang tahanan ng mga sinaunang
kabihasnan
sa loob ng rehiyon na tumutugon sa modernong
Gitnang Silangan
(Middle East). Ang mga sinaunang kabihasnan o bansang ito ang
Mesopotamia
(modernong
Iraq
, timog silangang
Turkey
at hilagang silangang
Syria
),
sinaunang Ehipto
,
sinaunang Iran
(
Elam
,
Media
,
Parthia
at
Persia
),
Anatolia
/
Asia Menor
(modernong
Turkey
),
Levant
(modernong
Syria
,
Lebanon
,
Israel
,
Palestine
at
Jordan
),
Malta
at
Peninsulang Arabiano
. Ang sinaunang malapit na silangan ay pinag-aaralan sa mga larangan ng
arkeolohiya ng malapit na silangan
at ng
sinaunang kasaysayan
. Ito ay nagsimula sa paglitaw ng
Sumer
noong 4000 BCEE bagaman ang petsa ng wakas nito ay iba-iba mula sa
panahong Tanso
at
panahong Bakal
hanggang sa pananakop ng
Imperyong Achaemenid
noong ika-anim na siglo BCEE o ni
Alexander the Great
noong ikaapat na siglo BCEE. Ang sinaunang malapit na silangan ay itinuturing na
duyan ng kabihasnan
. Ito ang una na nagsanay ng intensibong taunang
agrikultura
, nagbigay sa ibang panig ng daigdig ng unang sistema ng pagsulat, nag-imbento ng gulong ng magpapalayok at gulong ng sasakyan at gilingan, lumikha ng mga unang
sentralisadong pamahalaan
, mga
batas kodigo
at mga
imperyo
gayundin ang nagpakilala ng
stratipikasyong panlipunan
,
pang-aalipin
at organisadong digmaan. Ito ang naglatag ng pundasyon ng mga larangan ng
astronomiya
at
matematika
.
Panahong ng Kobre
|
Chalcolithic
(4500?3300 BC3)
|
Maagang Chalcolithic
|
4500?4000 BCE
|
Panahong Ubaid
sa
Mesopotamia
|
Huling Chalcolithic
|
4000?3300 BCE
|
Ghassulian
,
Sumerya
,
Panahong Uruk
sa
Mesopotamia
,
Gerzeh
,
Ehiptong Predinastiko
,
Proto-Elamita
|
Panahong Bronse
(3300?1200 BCE)
|
Maagang
Panahong Bronse
(3300?2100 BCE)
|
Maagang Panahong Bronse I
|
3300?3000 BCE
|
Protodinastikong
Ehitpo hanggang
Panahong Maagang Dinastiya ng Ehipto
, pagtira ng mga taga
Phoenicia
|
Maagang Panahong Bronse II
|
Maagang Panahong Dinastiko ng
Sumerya
|
Maagang Panahong Bronse III
|
2700?2200 BCE
|
Lumang Kaharian ng Ehipto
,
Imperyong Akkadiyo
, maagang
Asirya
, Lumang
Elam
, mga estadong
Sumeryo-Akkadiyo
|
Maagang Panahong Bronse IV
|
2200?2100 BCE
|
Unang Pagitang Panahon ng Ehipto
|
Gitnang Panahong Bronse
(2100?1550 BCE)
|
Gitnang Panahong BronseI
|
2100?2000 BCE
|
Ikatlong Dinastiya ng Ur
|
Gitnang Panahong Bronse II A
|
2000?1750 BCE
|
Kabihasnang Minoan
, maagang
Babilonya
,
Gitnang Kaharian ng Ehipto
|
Gitnang Panahong BronseII B
|
1750?1650 BCE
|
Ikalawang Pagitang Panahon ng Ehipto
|
Gitnang Panahong Bronse II C
|
1650?1550 BCE
|
Lumang Kahariang
Hiteo
, pagguho ng Kabihasanang
Minoan
|
Huling Panahong Bronse
(1550?1200 BCE)
|
Huling Panahong Bronse I
|
1550?1400 BCE
|
Gitnang Kahariang Hiteo
,
Hayasa-Azzi
, Gitnang Panahon ng
Elam
,
Bagong Kaharian ng Ehipto
|
Huling Panahong Bronse II A
|
1400?1300 BCE
|
Bagong Kahariang Hiteo
,
Mitanni
,
Hayasa-Azzi
,
Ugarit
,
Gresyang Myceneo
|
Huling Panahong Bronse II B
|
1300?1200 BCE
|
Gitnang Imperyong Asirya
, Simula ng rurok ng
Phoenicia
|
Panahong Bakal
(1200?539 BCE)
|
Panahong Bakal I
(1200?1000 BCE)
|
Panahong Bakal I A
|
1200?1150 BCE
|
Troya VII
,
Pagguho ng Hekla 3
,
Pagguho ng Panahong Bronse
,
Mga Taong Dagat
|
Panahong Bakal I B
|
1150?1000 BCE
|
Neo-Hiteo
, Panahon ng Bagong
Elam
,
Arameo
|
Panahong Bakal II
(1000?539 BCE)
|
Panahong Bakal II A
|
1000?900 BCE
|
Mga Panahong Madilim ng Gresya
|
Panahong Bakal II B
|
900?700 BCE
|
Kaharian ng Israel (Samaria)
,
Urartu
,
Phrygia
,
Imperyong Neo-Asirya
,
Kaharian ng Juda
, unang pagtira sa
Carthage
|
Panahong Bakal II C
|
700?539 BCE
|
Imperyong Neo-Babilonya
,
Imperyong Medo
, pagbagsak ng
Imperyong Neo-Asirya
sa Medes at Babilonya,
Phoenicia
,
Gresyang Arkaiko
, pag-akyat sa kapangyarihan ng Imperyong Persiyano(
Imperyong Akemenida
)
|
Klasikongn Antigidad
(post-ANE)
(539 BCE ? 634 CE)
|
Imperyong Akemenida
|
539?330 BCE
|
Persiyanong
Imperyong Akemenida
,
Klasikong Gresya
|
Panahong Helenistiko
,
Imperyong Parto
|
330?31 BCE
|
Kaharian ng Macedonia
,
Imperyong Seleucid
],
kaharian ng Pergamon
,
Kahariang Ptolemaiko
,
Imperyong Parto
|
Digmang Romano-Persiyano
]
|
31 BCE ? 634 CE
|
Digmaang Romano-Persiyano
,
Imperyong Romano
,
Imperyong Parto
,
Imperyong Sassanid
,
Imperyong Bizantino
,
Pananakop na Muslim
|
Ang mga anatomikong modernong
homo sapiens
ay naipakita sa area ng
Bundok Carmel
noong Gitnang
Paleolitiko
na may petsang mula ca. 90,000 BCE. Ang
paglipat na ito mula sa Aprika
ay tila hindi naging matagumpay at noong mga 60,000 BCE sa Israel/Syria lalo na sa
Amud
, ang klasikong mga pangkat ng
Neanderthal
ay tila nakinabang mula sa papalalang klima na pumalit sa mga
homo sapiens
na tila nakarestriktong muli sa Aprika.
[1]
Ang ikalawang paglisan mula sa Aprika ay naipakita ng kulturang Itaas na Paleolitiko na
Boker Tachtit
mula 52,000 BCE hanggang 50,000 BCE na may mga tao sa lebel
Ksar Akil
XXV na mga modernong tao.
[2]
Ang kulturang ito ay kamukha ng kulturang
Badoshan Aurignacian
ng Iran at ng kalaunang kulturang Ehipsiyo na
Sebilian
noong c. 50,000 BCE. Iminungkahi ni
Stephen Oppenheimer
[3]
na ito ay nagrereplekta sa isang pagkilos ng mga modernong tao (posibleng
Caucasian
) pabalik sa Hilagang Aprika sa panahong ito. Lumilitaw na ito ay naglalagay ng petsa kung saan ang mga kulturang Itaas na Paleolitiko ng homo sapiens ay nagsimulang pumalit sa
Neanderthal
Levalo
-
Mousterian
at noong mga 40,000 BCE, ang
Palestina
ay natirhan ng
kulturang Ahmarian
na Levanto-Aurignacian na tumagal mula 39,000 BCE hanggang 24,000 BCE.
[4]
Ang kulturang ito ay medyo matagumpay sa pagkalat bilang
kulturang Antelian
(huling Aurignacian) hanggang sa Katimugang Anatolia sa
kulturang Atlitan
. Pagkatapos ng Huling Pangyelong Maxima, ang isang bagong kulturang Epipaleolitiko ay lumitaw sa Katimugang Palestina. Mula 18,000 BCE hanggang 10,500 BCE, ang
kulturang Kebaran
[5]
ay nagpapakita ng maliwanag na mga ugnayan sa mas maagang mga kulturang
mikrolitiko
gamit ang pana at gamit ang panggiling na mga bato upang umani ng mga ligaw na butil na pinaunlad mula ca. 24,000 BCE hanggang 17,000 BCE na
kulturang Halfan
ng
Ehipto
na nagmula sa mas maaga pang tradisyong
Aterian
ng
Sahara
. Nakita ito ng ilang mga linguista na pinakamaagang pagdating ng mga wikang
Nostratiko
sa
Gitnang Silangan
. Ang kulturang Kebaran ay medyo matagumpay at maaaring ninuno ng kalaunang
kulturang Natufian
(10,500 BCE hanggang 8500 BCE) na sumaklaw sa buong rehiyong Levant. Ang mga taong ito ay nanguna sa unang mga
sedentaryong
pagtira at maaaring sumuporta sa mga sarili nito sa pamamagitan ng pangingisda at mula sa pag-aani ng mga ligaw na butil na masagana sa rehiyong ito sa panahong ito. Ang kulturang Natufian ay nagpapakita rin ng pinakamaagang
domestikasyon
ng aso at ang pagtulong ng aso sa pangangaso at pagbabantay sa mga tirahan ng tao ay maaaring nag-ambag sa matagumpay na pagkalat ng kulturang ito. Sa hilagang Syria, silangang Anatolia, ang kulturang Natufian sa
Cayonu
at
Mureybet
ay nagpaunlad ng unang buong kulturang agrikultural sa karagdagan ng mga ligaw na butil na kalaunang dinagdagan ng domestikadong tupa at mga kambing na malamang ay unang dinomestika ng
kulturang Zarzian
ng Hilagang Iraq at Iran na tulad ng kulturang Natufian ay maaaring umunlad mula sa Kebaran. Noong 8500 BCE hanggang 7500 BCE, ang bago-ang pagpapalayok na kulturang Neolitikong A (
PPNA
) ay umunlad mula sa mas maaagang lokal na tradisyon ng Natufian sa katimugang Palestina na naninirahan sa mga bilugang bahay at pagtatayo ng lugar na pagtatanggol sa Jericho (na nagbabantay sa mahalagang sariwang tubig). Ito ay napalitan ng bago ang pagpapalayok na Neolitikong B (
PPNB
) na tumira sa mga kwadradong bahay na nagmula sa Hilagang Syria at Euphrates bend. Sa panahong 8500 BCE hanggang 7500 BCE, ang isa pang pangkat na mangangaso ay nagpapakita ng maliwanag na mga apinidad sa mga kultura ng Ehipto. Ang
kulturang Harifian
[6]
na ito ay maaaring gumamit ng mga palayok mula sa
kulturang Isnan
at
kulturang Helwan
ng Ehipto na tumagal mula 9000 BCE hanggang 4500 BCE at kalaunang sumanib mula sa kulturang PPNB noong krisis na pangklima ng 6000 BCE upang bumuo ng tinatawag na Syro-Arabian technocomplex na pagpapastol,
[7]
na nakakita ng pagkalat ng unang mga magpapastol na
Nomadiko
sa Sinaunang Malapit na Silangan. Ito ay sumaklaw patimog tungo sa baybayin ng
Dagat Pula
at tumagos sa mga kulturang dalawang mukhang Arabo na patuloy na naging mas neolitiko at magpapastol at sumaklaw pahilaga at pasilangan upang maglatag ng mga pundasyon ng naninirahan sa mga
toldang
Amoreo
(Martu) at mga taong
Akkadian
ng
Mesopotamia
. Sa
lambak Amuq
ng Syria, ang
kulturang PPNB
ay tila nakapagpatuloy na umimpluwensiya sa karagdagang pagunlad na pang-kultura sa timog. Ang mga elementong nomadiko ay sumanib sa PPNB upang bumuo ng
kulturang Minhata
at
kulturang Yarmukian
na kumalat patimog na nagpasimula ng klasikong halong kulturang pagsasaka ng Mediterraneo at mula 5600 BCE ay nauugnay sa
kulturang Ghassulian
ng rehiyon na unang kulturang
chalcolithic
ng Levant.
Ang unang mga siyudad ay nagsimulang umunlad sa katimugang
Mesopotamia
noong 4000 BCE. Sa mga siyudad na ito, ang mga ugnayan ng
relihiyon
ay nagsimulang pumalit sa ugnayang magkakamag-anak bilang basehan ng lipunan. Noong yugtong
Uruk
, ang mga kolonista at mangangalakal mula sa katimugang Iraq ay nagtatag ng mga mahahalagang kwarter sa mga tirahan sa buong katimugang bahagi ng rehiyong Levant (halimbawa ang Amuq). Sa katimugang Iraq, ang bawat siyudad ay may patrong
diyos
na sinamba sa isang malawak na sentral na templong tinatawag na
ziggurat
at pinamumunuan ng isang
saserdote
-hari (ishakku). Ang lipunan ay naging mas segmentado at espesyalisado at may kakayahang sa mga sama samang proyekto tulad ng irigasyon at digmaan. Kasama ng mga siyudad ay dumating ang ilang mga pagsulong sa teknolohiya. Noong mga 3100 BCE, ang pagsulat, gulong at ibang pang mga inobasyon ay ipinakilala. Sa panahogn ito, ang mga taong
Sumerian
ng timog Mesopotamia ay lahat organisado sa iba't ibang mga independiyenteng
estadong-siyudad
gaya ng
Ur
at
Uruk
at noong mga 2600 BCE ay nagsimulang magsanib sa mas malaking mga unit na pampolitika. Sa pagaangkop ng mga diyos ng mga sinakop nito, ang relihiyon ay naging mas
politeistiko
at ang pamahalaaan aynaging mas
sekular
. Ang titulong lugal, malaking tao ay lumitaw kasama ng mas maagang mga titulong relihiyos bagaman ang pangunahing tungkulin ay sumamba pa rin sa mga diyos ng estado. Ang prosesong ito ay dumating sa natural na konklusyon nito sa pag-unlad ng unang mga
imperyo
noong 2400 BCE. Ang mga taong tinatawag na mga
Akkadian
ay sumakop sa lambak sa ilalim ni
Sargon I
at nagtatag ng kanilang supremasya sa mga Sumerian at sumaklaw ng kanilang kontrol hanggang sa Syria sa mga baybayin. Ito ay nasundan ng paglawig ng kulturang kalakal na Kerak na nagpapakita ng mga apinidad sa
Kaukasya
at posibleng nauugnay sa kalaunang paglitaw ng mga
Hurrian
. Ito ay kasabay ng mga imperyo ng
Ur
noong 2200 BCE at 2100 BCE at ang
Lumang Kahariang Babilonia
noong 1800 BCE at 1700 BCE. Sa panhong ito, ang mga
Kahariang Yamkhad
sa
Euphrates
at
Qatna
sa
Orontes
ay mahahalagang mga estadong-siyudad ng rehiyong Syria. Samantala, mga katugmang pag-unlad ay nangyayari sa Ehipto na noong 3200 BCE ay naging isa sa
Lumang Kaharian ng Ehipto
at sa mga tao ng
Lambak Indus
sa hilagang-kanlurang India. Ang lahat ng mga kabihasnan ito ay nasa mayabong na mga lambak ilog kung saan ang agrikultura ay madali kapag ang mga dam at irigasyon ay naitayo upang kontrolin ang mga bahang tubig. Ito ay nagsimulang magbago noong wakas ng 3000 BCE habang ang mga siyudad ay nagsimulang kumalat sa kalapit sa mabundok na kawntry: sa mga
Assyrian
sa hilagang Mesopotamia, ang mga
Cananeo
sa Syria-Palestina, sa mga Minoan sa Creta at sa mga
Hittie
sa silangang Anatolia. Sa parehong panahon, ang iba't ibang mga imigrante gaya ng mga Hittite sa Anatoli at mga Griyegong Mycenean ay nagsimulang lumitaw sa mga labas na hangganan ng kabihasnan. Ang mga pangkat na ito ay nauugnay sa paglitaw ng magaan na may dalawang gulon na
chariot
ng digmaa at sa mga wikang Indo-Europeo. Ang mga kabayo at mga chariot ay nangangailangan ng maraming panahon at pananatili kaya ang paggamit ng mga ito ay pangunahing nakarestrikto sa isang maliit na nobilidad. May mga heroikong lipunan na pamilyar mula sa epiko tulad ng
Iliad
at ang
Ramayana
. Noong mga 1700 BCE at 1600 BCE, ang karamihan ng mas matandang mga sentro ay natabunan. Ang
Babilonia
ay nasako ng mga
Kassite
at ang kabihasna sa Lambak Indus ay pabagsak sanhi ng klima. Ang isang pang pangkat na
Mitanni
ay nagpasuko sa
Assyria
at sa isang panahon ay banta sa kahariang Hittite ngunit natalo ng dalawang ito noong gitna ng 1400 BCE. Ang iba't ibang mga kahariang Achaean ay umunlad sa Gresya na ang pinakakilala ang Mycenae at noong 1500 BCE ay nanaig sa mas matandang mga siyudad na Minoan. Ang mga Semitikong
Hyksos
ay gumamit ng mga bagong teknoloiya upang sakupin ang Ehipto ngunit napalayas na nag-iiwan sa imperyo ng
Bagong Kaharian ng Ehipto
na umunlad. Mula 1550 BCE hanggang 1100 BCE, ang karamihan ng Levant ay nasakop ng Ehipto na naoong huling kalahati ng panahong ito ay nakipagtalo sa Syria sa imperyong Hittite. Sa wakas ng 1300 BCE, ang lahat ng mga kapangyarihang ito ay biglaang gumuho. Ang mga siyudad sa buong silanganing Mediterraneo ay nilusob sa loob ilang mga dekate ng iba't ibang mga mananalakay. Pinalayas ng Ehipto ang mga mananalakay nito at sa sumunod na siglo ay lumiit sa sakop ng teritoryo nito at ang sentral na autoridad nito ay permanenteng humina. Ang tanging Assyria at Ehitpo ang nakatakas sa malaking pinsala.
Ang
pagguho ng Panahong Bronse
ay nag-iwan ng ilang mga munting kaharian at mga estadong-siyudad. Ang mga sentrong Hittie ay nanatili sa hilagaang Syria kasama ng mga puertong Phoenician sa Canaan na nakatakas pagkawasak at umunlad s amga dakilang kapangyarihang pangkalakal. Noong 1200 BCE, ang karamihan ng looban nito gayundin ng Babilonia ay sinunggaban ng mga
Arameo
samantalang ang baybayin sa ngayong Gaza Strip ay tinirhan ng mga
Pilisteo
. Sa panahong ito, ang ilang mga inobasyon sa teknolihiya ay kumalat na ang pinakakilala ang paggawa sa bakal at
alpabetong Penisyo
na pinaunlad ng mga Penisyo o mga Cananeo noong 1600 BCE. Sa pag-akyat sa kapangyarihan ni
Adad-nirari II
noong 911 BCE, ang
Imperyong Neo-Asirya
ay sumakop sa buong Sinaunang Malapit na Silangan noong ika-8 hanggang ika-7 siglo BCE na gumawa sa imperyong ito na pinakamalaking imperyo sa kasaysayan at itinturing ng mga historyan na ang
kauna-unahang imperyo ng mundo
sa kasaysayan. Ito ay namuno sa buong Mesopotamia,
Levant
,
Ehipto
, mga bahagi ng
Anatolia
,
Iran
at
Armenia
. Sa panahon ng pamumuno ng haring Asiryong si
Sinsharishkun
(622?612 BCE), ang mga basalyo ng Asirya gaya ng
Medes
, Babilonya, Ehipto, Lydia, at Aram ay tumigil sa pagbibigay ng
tributo
sa Asirya. Ang Imperyong Neo-Asirya ay bumagsak sa magkasanib na puwersa ng Medes sa pamumuno ni
Cyaxares
at ng
Imperyong Neo-Babilonya
sa pamumuno ni
Nabopolassar
noong 609 BCE. Noong mga 550 BCE, ang
Medes
sa pamumuno ni
Astyages
ay bumagsak sa Persiyanong si
Dakilang Ciro
na nagtatag ng Persiyanong
Imperyong Akemenida
. Ang
Imperyong Neo-Babilonya
ay bumagsak kay Dakilang Ciro noong 539 BCE. Sa sumunod na ilang mga dekada ay idinagdag sa mga sakop nito ang Lydia sa Anatolia, Damascus, Babilonia at Ehipto gayundin ang pag-iisa ng kontrol nito sa talampas na Iranian na halos kasing layo India. Ang malawak na kaharian ay nahati sa iba't ibang mga
satrapiya
at pinamahalaan ayon sa modelong Asiryo ngunit may mas magaan na kamay. Sa panahong ito, ang
Zoroastrianismo
ang nanaig na relihiyon sa Persiya.
]]
Ang mga sinaunang kabihasnan sa Sinaunang Malapit na Silangan ay malalim na naimpluwensiyahan ng kanilang mga paniniwalang espiritwal.
[8]
Sila ay naniniwala na ang aksiyon ng
diyos
ay umiimpluwensiya sa lahat ng mga pangdaigdigang bagay. Sila ay naniniwala rin sa
dibinasyon
o kakayahan na manghula ng hinaharap.
[8]
Ang mga
omen
ay kadalasang isinusulat sa sinaunang Ehipto at Mesopotamia.
[8]
May mga malawak na kasanayan ang mga relihiyon sa Sinaunang Malapit na Silangan na karaniwang pinagsasaluhan: mga puripikasyon at mga ritwal ng paglilinis, mga templo, mga pista, mga batas na moral o legal, mga
saserdote
o pari, mga himno at panalangin, mga propesiya at mga propeta, kabilang buhay, mga diyos, anghel/espirito at demonyo at mga
multo
, mga nagagalit na diyos, mga
mito ng paglikha
at mga manlilikhang diyos/diyosa, mga paghahandog (handog na hayop at halaman, mga
libasyon
),
Politeismo
ngunit ang ilan gaya ng Ehipto ay
hen oteistiko
na pagsamba sa iisang diyos ngunit tumatanggap sa pag-iral ng ibang mga
diyos
o
monolatrista
gaya ng Mardukite. Ang mga
Sinaunang Israelita
sa simula ay
politeistiko
ngunit tumungo sa
monolatrismo
(pagsamba sa isang patrong diyos ngunit kumikilala sa pag-iral ng ibang mga diyos at kalaunan ay naging
monoteistiko
pagkatapos ng ika-6 siglo BCE),
Teokrasya
,
dibinasyon
(dibinasyon sa pamamagitan ng mga panaginip, dibinasyon sa pamamagitan ng palabunutan) at iba pa. Para sa mga hari ng mga bansa o imperyo sa Sinaunang Malapit na Silangan, ang kanilang pambansan o patrong Diyos o mga Diyos ay responsable sa kanilang pagwawagi sa digmaan laban sa kanilang mga kaaway na bansa. Ang mga hari rin ang itinuturing na represtantibo o kinatawan ng kanilang mga Diyos sa mundo. Ang mga mamamayan ay umaasa sa kanilang mga Diyos upang palaguin ang kanilang mga panananim at humihingi ng tulong sa kanilang mga Diyos upang pagalingin ang mga karamdaman at pagpalain. Ang
mummipikasyon
ng mga Sinaunang Ehipsiyo ay isinasagawa upang ang mga namatay ay muling ipanganak sa
kabilang buhay
. Ang paniniwala sa
mahika
ay karaniwan rin sa Sinaunang Malapit na Silangan.
[9]
Halimbawa, ayon sa
Aklat ng Exodo
, nang baguhin ni
Aaron
ang kanyang tungkod sa isang
ahas
, ito ay nagawa rin ng mga mahikerong Ehipsiyo.(Exodo 7:11-13)
Mga pambansa o patrong Diyos sa Sinaunang Malapit na Silangan
[
baguhin
|
baguhin ang wikitext
]
- ↑
"Amud"
. Encyclopædia Britannica
. Nakuha noong
2007-10-11
.
{{
cite web
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
Marks, Anthony (1983)"Prehistory and Paleoenvironments in the Central Negev, Israel" (Institute for the Study of Earth and Man, Dallas)
- ↑
Oppemheiomer, Stephen (2004), "Out of Eden", (Constable and Robinson)
- ↑
Gladfelter, Bruce G. (1997) "The Ahmarian tradition of the Levantine Upper Paleolithic: the environment of the archaeology" (Vol 12, 4 Geoarchaeology)
- ↑
Ronen, Avram , "Climate, sea level, and culture in the Eastern Mediterranean 20 ky to the present" in Valentina Yanko-Hombach, Allan S. Gilbert, Nicolae Panin and Pavel M. Dolukhanov (2007), "The Black Sea Flood Question: Changes in Coastline, Climate, and Human Settlement" (Springer)
- ↑
Belfer-Cohen, Anna and Bar-Yosef, Ofer "Early Sedentism in the Near East: A Bumpy Ride to Village Life" (Fundamental Issues in Archaeology, 2002, Part II, 19?38)
- ↑
Zarins, Yuris "Early Pastoral Nomadiism and the Settlement of Lower Mesopotamia" (# Bulletin of the American Schools of Oriental Research No. 280, November , 1990)
- ↑
8.0
8.1
8.2
Lamberg-Karlovsky, C. C. and Jeremy A. Sabloff (1979).
Ancient Civilizations: The Near East and Mesoamerica
. Benjamin/Cummings Publishing. p. 4.
{{
cite book
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
https://www.smithsonianmag.com/smart-news/1500-year-old-magic-bowls-seized-in-jerusalem-raid-180979705/