Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang
Silas Marner: The Weaver of Raveloe
o "Si Silas Marner: Ang Manghahabi ng Raveloe" ay isang madramang
nobela
ni
George Eliot
(ang katawagang ito ay ang pangalang pampanitikan ni
Mary Ann Evans
) na unang nalathala noong
1861
.
Pangunahing tauhan sa nobelang ito ang isang
manghahabi
na naging labis na nahumaling sa
gintong
nakakamit niya dahil sa kanyang pangangalakal. Nilarawan sa kuwentong ito ang kanyang puso bilang isang nakakandadong kabaong na naglalaman ng kayamanan sa loob (mula sa orihinal na Ingles na nagsasabing "
a locked casket with its treasure inside
"). Ngunit sumapit ang isang gabi kung kailan ninakaw ang kanyang ginto. Nanlata, nalungkot, at naging sawi si Marner dahil sa kanyang kawalang ito, hanggang sa makatagpo siya ng isa pang kayamanang nasa anyo ng isang batang babaeng ulila, na lumitaw sa kanyang pintuan. Nang buksan niya ang kanyang tahanan para sa paslit na ito, nakatagpo siya ng isang gantimpalang mas nakahihigit pa kaysa tunay na ginto.
[1]
- ↑
Halimbawa at paliwanag sa
God loves a cheerful giver. (2 Corinthians 9:7), Wednesday, June 17, Meditations, June 2009,
The Word Among Us
, Daily Meditations for Catholics,
pahina 37.
Ang
Wikisource
ay may orihinal na teksto na may kaugnayan sa artikulong ito: