Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang
kapusukan
(mula sa salitang-ugat na
pusok
), na tinatawag ding
pasyon
(damdamin),
bugso
ng damdamin,
ningas ng kalooban
,
kapangahasan
,
init
ng damdamin, o
kabiglaanan
ng damdamin (Ingles:
ardency
,
ardor
,
fervor
,
temerity
,
fieriness
,
hotness
,
violence
,
impetuosity
,
vehemence
,
impulsiveness
,
incontinence
, o
rashness
) ay isang katagang inilalapat o ginagamit upang ilarawan ang napaka malubha o masidhing damdamin hinggil sa isang tao o bagay. Ang
pasyon
, na nagmula sa
Sinaunang wikang Griyegong
pandiwa
na
π?σχω
(
paskho
) na may ibig sabihing "
maghirap
", ay isa ring marubdob na damdamin, o makabagbag-damdaming
saloobin
(kaloobang pangdamdamin),
kasigasigan
(entusiyasmo), o pithaya (hangarin, lunggati, pita, o pagnanais ng damdamin) para sa isang bagay. Ang kataga ay madalas ding ginagamit para sa paglalarawan ng isang masigla o masigasig na pagkagusto o pagkawili sa o paghanga (admirasyon) para sa isang alok o mungkahi, layunin, o gawain, o
pag-ibig
, hanggang sa pagkadama ng hindi pangkaraniwang kasiglahan o katuwaan, masigasig o makabagbag-damdaming kalooban, na isang positibong ugnayan o pagmamahalan, na inilalaan para sa isang paksa, ideya, tao o persona, o bagay. Partikular itong ginagamit sa diwa ng
romansa
o
seksuwal na pagnanais
, bagaman pangkalahatan itong nagpapahiwatig ng isang mas malalim o mas malawak at mas masaklaw na uri ng emosyon kaysa sa ipinahihiwatig ng katagang
kalibugan
.
Tingnan din