Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang
sh?nen
,
shonen
, or
manga
na
shonen
(
少年漫?
,
sh?nen manga
)
ay isang
manga
na tinatarget ang mga kabataang lalaki sa
demograpikong
nagbabasa. Nag-iiba ang pangkat ng edad sa indibiduwal na nagbabasa at sa iba't ibang mga magasin, ngunit pangunahin itong binalak para sa mga kabataan nasa gulang na 12 hanggang 18. Ang mga karakter sa
kanji
(
少年
) ay literal na nangangahulugan na "batang lalaki" (o "kabataan"), at ang mga karakter (
漫?
) ay nangangahulugan na "komiko". Sa gayon, nangangahulugan ang buong parirala na "komiko ng kabataan" o "komiko ng batang lalaki"; ang katumbas nito sa babae ay
sh?jo manga
. Ang sh?nen manga ay ang pinakapopular na anyo ng manga.
[1]
[2]
Tipikal na matindi ang aksyon sa sh?nen manga
[3]
na kadalasang may patawa at tinatampok ang mga bidang lalaki.