Selena Gomez
|
---|
![](//upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/8/85/Selena_Gomez_-_Walmart_Soundcheck_Concert.jpg/220px-Selena_Gomez_-_Walmart_Soundcheck_Concert.jpg) Si Gomez noong Hulyo 2013
|
Kapanganakan
| Selena Marie Gomez
(
1992-07-22
)
22 Hulyo 1992
(edad
31)
|
---|
Trabaho
| - Artista
- mang-aawit
- manunulat ng awitin
- ehekutibong prodyuser
- modelo
- taga-disenyo ng moda
[1]
- pilantropo
[2]
|
---|
Aktibong taon
| 2002?kasalukuyan
|
---|
Telebisyon
| |
---|
Karera sa musika
|
Genre
| |
---|
Instrumento
| |
---|
Label
| |
---|
Website
| selenagomez.com
|
---|
|
Si
Selena Marie Gomez
(ipinanganak noong 22 Hulyo 1992), ay isang
Amerikanang
aktres, mang-aawit at prodyuser
[3]
na naging tanyag sa pagganap niya bilang
Alex Russo
sa orihinal na serye ng Disney Channel na
Wizards of Waverly Place
.
Kasama ng kanyang karera sa telebisyon, lumabas si Gomez sa mga pelikulang
Another Cinderella Story
(2008),
Princess Protection Program
(2009),
Wizards of Waverly Place: The Movie
(2009),
Ramona and Beezus
(2010),
Monte Carlo
(2011),
Spring Breakers
(2012),
Getaway
(2013),
The Fundamentals of Caring
(2016),
The Dead Don't Die
(2019), at
A Rainy Day in New York
(2019). Binosesan din niya ang karakter na Mavis sa pelikulang prangkisa na
Hotel Transylvania
(2012?kasalukuyan), at naging ehekutibong prodyuser ng seryeng pantelebisyon ng
Netflix
na
13 Reasons Why
(2017?2020) at
Living Undocumented
(2019).
Naglabas si Gomez ng tatlong album sa kanyang dating banda na
Selena Gomez & the Scene
:
Kiss & Tell
(2009),
A Year Without Rain
(2010), at
When the Sun Goes Down
(2011), na lahat ay lumapag sa pinakamataas na sampu sa tala na
Billboard
200
sa Estados Unidos at natamo ang mga sertipikasyong ginto. Karagdagan dito, naglabas si Gomez ng tatlong album bilang solong mang-aawit:
Stars Dance
(2013),
Revival
(2015), at
Rare
(2020), na lahat ay unang lumapag sa
Billboard
200.
[4]
Iniskor niya ang walong single na nasa pinakamataas na sampu sa tala na
Billboard
Hot 100: "Come & Get It", "The Heart Wants What It Wants", "Good for You", "Same Old Love", "Hands to Myself", "We Don't Talk Anymore" kasama si Charlie Puth, "It Ain't Me" kasami si Kygo, at "Lose You to Love Me", ang pinakahuli ang una niyang numero-unong single sa tala.
Noong 2017, naiulat ng
Billboard
na nakapagbenta si Gomez ng higit sa pitong milyong album at 22 milyong single sa buong mundo. Nakatanggap siya ng iba't ibang papuri at pinarangalan bilang ang Kababaihan ng Taon ng
Billboard
noong 2017. Marami siyang tagasunod sa
social media
, at sa isang punto, ang pinakasinusundan na indibiduwal sa
Instagram
. Abala din si Gomez sa ibang bagay kabilang ang isang linya ng
makeup
, isang linya ng pananamit, isang linya ng
handbag
, isang linya ng pabango, at isang kompanyang produksyon na nagngangalang July Moonhead Productions. Nakipagtulungan siya sa iba't ibang mga organisasyong pangkawanggawa at, nang siya'y 17 gulang, nahirang siya bilang isang embahador ng
UNICEF
.
[5]
Naglabas si Gomez ng tatlong istudiyong album, dalawang EP, at isang kompilasyong album sa solong karera.
Siya ang punong mang-aawit ng dating banda niya na
Selena Gomez & the Scene
, na naglabas ng tatlong istudiyong album at isang
album
na remix.
- Stars Dance
(2013)
- Revival
(2015)
- Rare
(2020)
- Kiss & Tell
(2009)
- A Year Without Rain
(2010)
- When the Sun Goes Down
(2011)
- ↑
"adidas NEO Label Signs Selena Gomez as New Style Icon and Designer ? New Video Available"
(sa wikang Ingles). news.adidas.com. Nobyembre 20, 2012. Inarkibo mula sa
ang orihinal
noong Hulyo 10, 2015
. Nakuha noong
Hulyo 10,
2015
.
{{
cite web
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
"Selena Gomez"
.
UNICEF USA
(sa wikang Ingles)
. Nakuha noong
Agosto 26,
2015
.
{{
cite web
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
Bacle, Ariana (Enero 25, 2017).
"Selena Gomez shares ominous 13 Reasons Why teaser"
.
Entertainment Weekly
(sa wikang Ingles)
. Nakuha noong
Enero 25,
2017
.
{{
cite news
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
Caulfield, Keith (Enero 21, 2020).
"Selena Gomez Earns Third No. 1 Album on Billboard 200 Chart With 'Rare'
"
.
Billboard
(sa wikang Ingles)
. Nakuha noong
Mayo 4,
2020
.
{{
cite web
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
"Charity, Action, Now! (C.A.N.)"
.
UNICEF USA
(sa wikang Ingles)
. Nakuha noong
2020-05-06
.
{{
cite web
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
May kaugnay na midya tungkol sa
Selena Gomez
ang Wikimedia Commons.
|
---|
Pandaigdigan
| |
---|
Pambansa
| |
---|
Artista
| |
---|
Tao
| |
---|
Iba pa
| |
---|