Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang
Sambahayang Saud
,
Kabahayang Saud
, o
Angkang Saud
(
Arabe
:
?? ????
?l Su??d
) ay ang numunong
mag-anak na royal
ng
Arabyang Saudi
. Ang pamilyang ito ay mayroong libu-libong mga kasapi. Binubuo ito ng mga inapo ni
Muhammad bin Saud
at ng kaniyang mga kapatid na lalaki, bagaman ang namumunong pangkat ng mag-anak ay pangunahing pinangungunahan ng mga kaapu-apuhan ni
Abdulaziz bin Abdul Rahman Al Saud
. Itinataguyod ng pamilya ang
Islam
na
Salafi
at ang kaisahan ng
Arabya
.
[1]
Ang pinaka maimpluwensiyang miyembro ng mag-anak ay ang
Hari ng Arabyang Saudi
. Ang trono ay
ipinapasa
mula sa isang anak na lalaki ni
Haring Abdulaziz
papunta sa isa pa. Ang pamilya ay tinatayang binubuo ng 15,000 mga kasapi, subalit ang karamihan sa kapangyarihan at kayamanan ay pag-aari ng isang pangkat ng humigit-kumulang sa 2,000 lamang.
[2]
[3]
Ang Sambahayang Saud ay dumaan na sa tatlong mga yugto: ang
Unang Estadong Saudi
, ang
Ikalawang Estadong Saudi
, at ang modernong nasyon ng
Arabyang Saudi
. Ang Unang Estadong Saudi ay nagbigay tanda sa paglawak ng Islam na
Wahhabi
. Ang Ikalawang Estadong Saudi ay nabigyang tanda ng pagkakaroon ng tuluy-tuloy na panloob na pag-aaway-away. Ang pangmakabagong panahong Arabyang Saudi o
Saudi Arabia
ay naghahawak ng malaking impluwensiya sa loob ng
Gitnang Silangan
. Ang pamilya ay dating nagkaroon ng pakikipaghidwaan sa
Imperyong Ottomano
, sa
Sharif ng Mecca
, sa mag-anak na
Al Rashid
ng
Ha'il
, at maraming mga pangkat na
Islamista
na kapwa nasa loob at labas ng Arabyang Saudi.
Ang lathalaing ito na tungkol sa
Tao
at
Islam
ay isang
usbong
. Makatutulong ka sa
Wikipedia
sa
pagpapalawig
nito.