한국   대만   중국   일본 
Salot - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

Salot

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang salot , peste , o plaga ay ilang mga sakit o karamdaman na nagsasanhi ng kamatayan sa mga tao. Maaari rin itong anumang bagay na nagdurulot ng maraming paghihirap o kawalan. [1] [2] Sa larangan ng pananampalataya, itinuturing ito bilang isang "kalamidad na inaakalang dulot ng galit ng kalangitan" o ng Diyos. Halimbawa nito ang pagkakaroon ng pananalakay ng napakaraming mapaminsalang mga kulisap , katulad ng tipaklong . Kasingkahulugan ito ng epidemya at ng pagdurulot ng masamang kalagayan sa isang nilalang, katulad ng tao, halaman o hayop. Naging kaugnay din ito, sa madiwang paraan, ng anumang bagay na pang-asar o pambuwisit , panghaharas , pagpaparusa , at pagpapahirap . [2] Sa medisina, ang epidemiko ay ang mabilis na pagkalat ng nakakahawang sakit [2] o ang pagkalat ng maraming mga kaso ng katulad o iisang karamdaman sa loob ng isang pook at sa kapareho o katulad na oras o kapanahunan. [3]

Mga sanggunian [ baguhin | baguhin ang wikitext ]

  1. The Committee on Bible Translation (1984). " Plague " . The New Testament, God's Word, The Holy Bible, New International Version (NIV) . International Bible Society, Colorado, USA. {{ cite ensiklopedya }} : CS1 maint: date auto-translated ( link )
  2. 2.0 2.1 2.2 Gaboy, Luciano L. Plague , salot, peste, plaga; epidemic , epidemiko - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com .
  3. " Epidemic , Some Medical Terms , Diseases ". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated . 1977. {{ cite ensiklopedya }} : CS1 maint: date auto-translated ( link ) , pahina 206.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong . Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.