Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Santa Rosa ng Lima
|
---|
|
|
Ipinanganak
| Isabel de Santa Maria de Flores
20 Abril 1586
(
1586-04-20
)
Lima
,
Virreinato ng Peru
Imperyong Kastila
|
---|
Namatay
| 24 Agosto 1617
(1617-08-24)
(edad 31)
Lima
,
Virreinato ng Peru
Imperyong Kastila
|
---|
Benerasyon sa
| Simbahang Katolika Romana
,
Komunyong Anglicana
|
---|
Beatipikasyon
| Abril 15, 1667 o 1668,
Roma
,
Papal States
ni
Papa Clemente IX
|
---|
Kanonisasyon
| Abril 12, 1671, Roma, Papal States ni
Papa Clemente X
|
---|
Pangunahing
dambana
| Monasteryo
ni
Sto. Domingo
Lima, Peru
|
---|
Kapistahan
| Agosto 23
Agosto 30 (sa ilang bansang sa Latin Amerika at bago ang 1970
Pangkalahatang Kalendaryong Romano
)
|
---|
Katangian
| rosa, angkla,
Santo Nino
|
---|
Patron
| embroiderers
; hardinero; plorista;
India
;
Lating Amerika
; mga taong kinukutya o di-maunawaan dahil sa kanilang debosyon; sa pag-aayos ng mga away pamilya; mga katutubo ng kontinente ng Amerika;
Peru
;
Pilipinas
;
Villareal
;
Santa Rosa, California
;
Santa Rosa, Laguna
; laban sa pagkabanidoso;
Lima
; Kapulisan ng Peru
|
---|
Si
Santa Rosa ng Lima,
O.P.
(Abril 20, 1586 ? Agosto 24, 1617), ay isang
Espanyolang
nanirahan sa
Lima
,
Peru
, na nakilala sa kaniyang
asetesismo
at pangangalaga sa mga nangangailangan sa lungsod sa kaniyang sariling paraan. Siya'y
laikong
kasapi ng
Ordeng Dominiko
, at kauna-unahang isinilang sa mga kontinente ng Amerika na
kanonisa
ng
Simbahang Katolika
.
Bilang santa, naging isa siya sa mga patrona ng Pilipinas hanggang 1942 nang gawing pangalawahang patronahe siya noong Setyembre 1942 ni
Papa Pio XII
, samantalang nananatili siyang pangunahing patrona ng Peru at ng mga katutubo ng
Lating Amerika
. Itinatampok ang kaniyang wangis sa pinakamalaking denominasyon ng salapi ng Peru.
Ipinanganak siya na Isabel Flores y de Oliva sa
Lima
, sa noo'y
Virreinato ng Peru
, noong Abril 20. 1586. Isa siya sa maraming supling nina Gaspar Flores, isang arcabucero sa hukbo ng Imperyo ng Espanya na ipinanganak sa
San German
, pulo ng San Juan Bautista (ngayo'y
Puerto Rico
), at Maria de Oliva, isang mulata na taga-Lima. Ang palayaw niyang "Rosa" ay hango sa insidente noong siya'y isa pang sanggol, nang sabihin ng kanilang katulong na nakita niya umano na nagbagong-anyo ang kaniyang mukha at naging rosas. Noong 1597, siya'y kinumpilan ng
Arsobispo ng Lima
na si
Turibius de Mongrovejo
na naging santo. At noo'y pormal niyang ginamit ang pangalan na Rosa.
[1]
At upang matularan ang pamumuhay ni
Santa Catalina ng Siena
, nagsimula siyang
mag-ayuno
tatlong ulit sa isang linggo at palihim na
nagpenitensiya
ng matindi. Nang hangaan ng kaniyang mga manliligaw ang kaniyang kagandahan, nabahala si Rosa kaya ginupit niya ang kaniyang buhok at nagpahid ng paminta sa kaniyang mukha.
[2]
Tinanggihan niya ang lahat ng kaniyang mga manliligaw kahit pa tumutol ang kaniyang mga kaibigan at pamilya. Kahit na paulit-ulit punahin ng kaniyang mga magulang ang oras na ginugugol niya sa araw-araw na pagtanggap ng
Banal na Sakramento
, napakabihirang gawain noong mga panahong iyon. Nanumpa siyang panatilihin ang kaniyang pagkabirhen, na tinutulan ng kaniyang mga magulang, na ninais siyang makasal.
[1]
Sa huli, sumuko na lang ang kaniyang ama, at binigyan siya ng sariling silid sa kanilang tahanan.