Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Si
Richard Paul Astley
(ipinanganak
Pebrero 6
,
1966
) ay isang
British
na mang-aawit na kilala sa kaniyang anyong
babyface
na nagtatago ng kaniyang taglay na baritonong boses pangkanta. Ipinanganak siya sa
Warrington
,
Cheshire
,
England
.
Isang mang-aawit sa isang bandang nanananghal sa mga
club
sa England si Astley nang madeskubri siya noong
1985
ng
record producer
na si
Pete Waterman
na nagpangsang-ayon sa kaniyang pumunta ng
London
upang magtrabaho sa studyong pangrekord ng PWL. Sa ilalim ng pangangalaga ni
Stock Aitken Waterman
, natutunan ni Astley ang mga tungkol sa proseso ng pagrerekord at inihanda siya para sa kaniyang pangkinabukasang karrera.
Ang kaniyang unang
single
ay ang di-gaanong kilalang “When You Gonna” nina Rick & Lisa ngunit ang kaniyang unang
solo break
ay ang “
Never Gonna Give You Up
” na nilabas noong
1987
at agad naghit. Nanatili ito ng limang linggo sa tuktok ng tsarts ng UK at naging pinakamabentang
single
ng taon.
Nagnumero-uno din ang album na
Whenever You Need Somebody
, at nagpatuloy din ang
singles
na naghit.
Tumuktok din noong Enero
1988
sa tsarts ng
Estados Unidos
ang “Never Gonna Give You Up” at sinundan ito noong Abril ng pangalawa niyang numero-uno sa US?ang pangalawa niyang
single release
sa US na “Together Forever”.
Nang matapos ang dekada naghiwalay ng pagsasama si Astley kay Waterman. Nagtamo siya ng isa pang malakihang tagumpay noong
1991
sa
baladang
“Cry for Help” na nakaakyat sa
top ten
sa UK at sa US.
Noong
2004
, nabalitaang nagbabalak siya ng isang
comeback
o pagbabalik-tanghal.
Tala ng pinakanaghit na
singles
ni Rick Astley at ang kanilang mga lugar sa tsarts
[
baguhin
|
baguhin ang wikitext
]
- “Never Gonna Give You Up” (no. 1 UK, no. 1 US)
- “Whenever You Need Somebody” (no. 3 UK)
- “When I Fall in Love”/“My Arms Keep Missing You” (no. 2 UK)
- “Together Forever” (no. 2 UK, no. 1 US)
- “It Would Take a Strong, Strong Man” (no. 10 US)
- “She Wants to Dance with Me” (no. 6 UK, no. 6 US)
- “Take Me to Your Heart” (no. 8 UK)
- “Hold Me in Your Arms” (no. 10 UK)
- “Cry for Help” (no. 7 UK, no. 7 US)