한국   대만   중국   일본 
Renasimyentong Italyano - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

Renasimyentong Italyano

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Renasimiyentong Italyano )
Renasimyentong Italyano
Clockwise from top :
  1. Mona Lisa ni Leonardo Da Vinci
  2. Tanaw ng Florencia , kung saan ipinanganak ang Renasimiyento
  3. Ang Palasyo ng Doge sa Venezia
  4. Basilika ni San Pedro sa Roma , ang pinakatanyag na obrang arkitektura ng Renasimiyento
  5. Galileo Galilei , Tuscanong siyentista at tagapagtatag ng pamamaraang pang-eksperimento
  6. Machiavelli , may-akda ng Ang Prinsipe
  7. Christopher Columbus , manlalakbay at kolonyalista mula sa Genoa na kung saan ang mga layag ang nagpasimuno ng Europeong kolonisasyon ng Bagong Daigdig
  8. Paglikha kay Adan ni Michelangelo
Petsa Ika-14 na siglo ? Ika-17 siglo
Lugar Mga Italyanong estadong lungsod
Mga sangkot Lipunang Italyano
Kinalabasan Transisyon mula sa Gitnang Kapanahunan papuntang Modernong panahon

Ang Renasimyentong Italyano ( Italyano : Rinascimento [rina??i?mento]) ay isang panahon sa kasaysayang Italyano na sumasaklaw sa sa ika-15 ( Quattrocento ) at ika-16 ( Cinquecento ) na siglo, na bumuo ng isang kulturang kumalat sa buong Europa at minarkahan ang paglipat mula sa Gitnang Kapanahunan tungo sa modernidad . (Ang mga tagataguyod ng isang "mahabang Renaissance" ay naninidnigang nagsimula ito noong ika-14 na siglo ( Trecento ) at tumagal hanggang sa ika-17 siglo ( Seicento )). Ang salitang Pranses na renaissance ( rinascimento sa Italyano) ay nangangahulugang "muling pagsilang" at tumutukoy sa panahon bilang isa sa muling pagkabuhay muli ng kultura at pagpapanibagong-interes sa klasikong sinaunang panahon pagkatapos ng mga daang siglo kung saan inilarawan ng mga humanista ng Renasimyento bilang " mga Madilim na Panahon ". Ginamit Renasimiyentong may-akda na si Giorgio Vasari ang salitang "Muling pagkabuhay" sa kaniyang Buhay ng mga Pinakamahusay na Pintor, Eskultor, at Arkitekto noong 1550, ngunit ang konsepto ay kumalat lamang noong ika-19 na siglo, matapos ang gawain ng mga iskolar tulad nina Jules Michelet at Jacob Burckhardt .

Mga sanggunian [ baguhin | baguhin ang wikitext ]