Remedios Circle

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Remedios Circle

Ang Remedios Circle , na kilala rin bilang Plaza de la Virgen de los Remedios , [1] Remedios Rotonda , [2] at Bilog ng Rotaryo ( Rotary Circle ), [3] at maaari na isalin nang buo bilang Bilog ng Remedios , ay isang trapikong bilog na matatagpuan sa distrito ng Malate , Maynila . Nagsisilbi itong sangandaan sa pagitan ng Kalye Remedios, Kalye Jorge Bocobo at Kalye Adriatico . Kapuwa ipinangalan ang bilog at ang kalapit na kalye nito mula kay Nuestra Senora de los Remedios (Ina ng mga Kalunasan), ang pintakasi ng kalapit na Simbahan ng Malate . [2] Isa ang Remedios Circle sa dalawang mga pangunahing bukas na liwasan sa Malate, ang isa ay Plaza Rajah Sulayman .

Dating isang sementeryo sa panahong kolonyal, kilala na ngayon ang bilog bilang sentro ng panggabing buhay ( nightlife ) ng Maynila, [4] gayundin bilang isang popular na lugar ng paggagala-gala upang maghanap ng katalik para sa mga lalaking nakikipagtalik sa kapwa lalaki . [5]

Mga sanggunian [ baguhin | baguhin ang wikitext ]

  1. "Larry serves up music" . Philippine Daily Inquirer . Philippine Daily Inquirer, Inc. 18 Enero 2001 . Nakuha noong 10 Hulyo 2014 . {{ cite news }} : CS1 maint: date auto-translated ( link )
  2. 2.0 2.1 Santos, Tina G. (24 Hunyo 2006). "Manila's 'redeveloped' parks now open to public" . Philippine Daily Inquirer . Philippine Daily Inquirer, Inc . Nakuha noong 4 Hunyo 2014 . {{ cite news }} : CS1 maint: date auto-translated ( link )
  3. The Philippines, Pearl of the Orient . Manila: Islas Filipinas Publishing Company. 1988. p. 205. {{ cite book }} : CS1 maint: date auto-translated ( link )
  4. Dalton, David (2007). The Rough Guide to the Philippines . Penguin Books. p. 100. ISBN   9781843538066 . {{ cite book }} : CS1 maint: date auto-translated ( link )
  5. Garcia, J. Neil C. (2009). Philippine Gay Culture: Binabae to Bakla, Silahis to MSM . Hong Kong: Hong Kong University Press . p. 231. ISBN   9789622099852 . {{ cite book }} : CS1 maint: date auto-translated ( link )