Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang
radyasyong elektromagnetiko
, kilala rin bilang pinaiksing
radyasyong E-M
o
radyasyong EM
, ay isang
kababalaghang
naghuhubog ng mga along nagpaparami sa pamamagitan ng sarili, na nasa loob ng isang bakyum o sa loob ng materya. Mayroon itong puwang na may mga komponenteng may kuryente (elektriko) at mabalani (magnetiko) na nagpapaurong-sulong (
oskilasyon
) na nasa yugtong perpendikular sa isa't isa at perpendikular din sa direksiyon ng propagasyon o pagpaparami ng enerhiya.
Inuuri ang radyasyong elektromagnetiko ayon sa
kadalasan
ng alon nito. Ayon sa pagtaas ng kadalasan at ng pagbaba ng
liboy-haba
(haba ng alon), ito ay ang
along radyo
,
mikro-alon
,
radyasyong inprared
,
nakikitang ispektrum
(
nakikitang liwanag
),
radyasyong ultra-lila
,
sinag-X
, at mga
sinag-gamma
. Ang mga mata ng sari-saring mga organismo ay nakakapuna o nakakadama ng maliit at parang magkakaibang mga bintana ng mga kadalasang tinatawag na nakikitang ispektrum. Ang
poton
ay ang kuwantum ng interaksiyong elektromagnetiko at ng payak na "yunit" ng liwanag at ng lahat ng ibang mga anyo ng radyasyong elektromagnetiko, at siya ring
tagapagdala ng puwersa
para sa lakas na elektromagnetiko.
Nagdadala ang radyasyong elektromagnetiko ng enerhiya at
momentum
na maaaring maibahagi sa materyang nakakahalubilo nito.
Ang lathalaing ito na tungkol sa
Pisika
ay isang
usbong
. Makatutulong ka sa
Wikipedia
sa
pagpapalawig
nito.