Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Sa
mekaniks na kwantum
, ang
Prinsipyong Walang Katiyakan
(
Heisenberg uncertainty principle
) ay nagsasaad ng pundamental na hangganan ng akurasiya(pagiging tiyak) kung saan ang mga ilang pares ng mga
katangiang pisikal
ng isang
partikulo
gaya ng
posisyon
at
momentum
ay hindi maaaring sabay na malaman. Sa ibang salita, kung mas tiyak na masusukat ang isang katangian, mas hindi tiyak namang matutukoy, malalaman o makokontrol ang isa pang katangian.
Eto ay inilimbag ni
Werner Heisenberg
noong 1927 at isang mahalagang pagkakatuklas sa simulang pagkakabuo ng
teoriyang kwantum
. Ipinapahiwatig nito na imposibleng sabay na masukat ang kasulukuyang posisyon habang tinutukoy din ang panghinaharap(future) na
mosyon
ng isang
partikulo
o anumang sistemang sapat na maliit upang mangailangan ng pagtratong
kwantum mekanikal
.
[1]
Sa intuisyon, ang prinsipyong ito ay maaaring maunawan sa pamamagitan ng pagturing ng isang tipikal na pagsukat ng posisyon ng isang partikulo na sumasangkot sa pagkalat ng
liwanag
o pagkaalis ng ibang mga partikulo sa isang target at nangangailangan ng
probabilistikong
pagpapalit ng
enerhiya
. Ang
prinsipyo ng walang katiyakan'
ay isang pundamental na katangian ng mga sistemang kwantum at hindi pangungusap sa kakayahang pagmasid ng kasalukuyang teknolohiya.
[1]
Ang ilang mga walang katiyakan sa gayong mga partikulo ay hindi maiiwasan. Gayunpaman, kahit papaano ay maaring matukoy ang
aberahe
(average) ng momentum at posisyon ng mga partikulo gamit ang
mahinang pagsukat
.
Ang prinsipyong ito ay spesipikong nagsasaad na ang
produkto
ng mga walang katiyakan sa posisyon at momentum ay palaging katumbas o mas malaki sa isa't kalahati ng
ħ
, na
pinaliit na konstanteng Planck
.
Sa
matematikal
na deskripsiyon, ang ugnayang walang katiyakan sa pagitan ng posisyon at momentum ay lumilitaw dahil ang mga ekspresiyon ng
alongpunsiyon
sa dalawang kaakibat na
basis
ay mga
transpormang Fourier
ng isa. Sa matematikal na pormulasyon ng mekaniks na kwantum, ang anumang hindi-
komutatibo
(o ang pag-aayos ng order ng mga
operando
ay hindi magbabago sa huling resulta) ay sakop din ng parehong mga walang katiyakang limitasyon.
- ↑
1.0
1.1
http://www.youtube.com/watch?v=TcmGYe39XG0
Indian Institute of Technology Madras, Professor V. Balakrishnan, Lecture 1 - Introduction to Quantum Physics; Heisenberg's uncertainty principle, National Programme of Technology Enhanced Learning