한국   대만   중국   일본 
Pitong Paham ng Gresya - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

Pitong Paham ng Gresya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang mga Pitong Paham na ipinapakita sa Nuremberg Chronicle

Ang mga Pitong Paham ( ng Gresya ) o Pitong Pantas ( Griyego : ο? ?πτ? σοφο?, hoi hepta sophoi ; Ingles : Seven Sages of Greece ; c.  620 ? 550 BK) ay ang titulong ibinigay ng sinaunang Griyegong tradisyon sa pitong mga pilosopo , estadista at mambabatas ng unang bahagi ng ika-6 na dantaon na nakilala sa mga sumunod na dantaon dahil sa kanilang karunungan .

Ang mga Pitong Paham [ baguhin | baguhin ang wikitext ]

Kinagisnan na bawat isa sa mga paham o pantas ay kumakatawan sa isang aspeto ng makamundong karunungan na ibinuod ng isang aporismo  [ en ] . Bagaman minsan naiiba ang tala ng mga paham, ang mga sumusunod ay kadalasang nakabilang:

  • Cleobulus ng Lindos : "Moderation is best in all things" ( Griyego : π?ν μ?τρον ?ριστον, pan metron ariston ). Namuno siya bilang tirano ng Lindos , sa Griyegong pulo ng Rhodes , noong mga 600 BK.
  • Solon ng Atenas : "Nothing in excess" ( Griyego : μηδ?ν ?γαν, meden agan ). Si Solon ( c.  638 ? 558 BK) ay isang bantog na mambabatas at tagareporma mula Atenas na bumalangkas ng mga batas na nakapagimpluwensiya nang malaki sa demokrasyang Atenyano .
  • Chilon ng Isparta : "Do not desire the impossible" ( Griyego : μ? ?πιθυμε?ν ?δυν?των, me epethimin adenaton ). Si Chilon ay isang Ispartanong politiko mula sa ik-6 na dantaon. Iniukol sa kanya ang militarisasyon ng lipunang Ispartano.
  • Bias ng Priene : "Most men are bad" ( Griyego : πλε?στοι ?νθρωποι κακο?, plesti anthropi kaki ). Si Bias ay isang politiko at mambabatas ng ika-6 na dantaon.
  • Thalis ng Mileto : "Know thyself" ( Griyego : γν?θι σεαυτ?ν, gnothi seafton ). Si Thales ( c.  624 ? c.  546 BK) ay ang unang kilalang pilosopo at matematiko. Ang kanyang payo, "Kilalanin ang iyong sarili" ( "Know thyself" ), ay nakaukit sa harapan ng Orakulo ng Apollo sa Delphi .
  • Pittacus ng Mytilene : "Know thy opportunity" ( Griyego : γν?θι καιρ?ν, gnothi keron ). Pinamunuan ni Pittacus ( c.  640 ? 568 BK) ang Mytilene ( Lesbos ) kasama ang Myrsilus . Sinubukan niyang ibawas ang kapangyarihan ng maharlika, at nakaya niyang mamuno sa pamamagitan ng suporta mula sa mga popular na uri (panlipunan) na pinaboran niya.
  • Periander ng Corinto : "Be farsighted with everything" ( Griyego : ?ρα τ? μ?λλον, ora to mellon ). Si Periander (fl. 627 BK) ay ang tirano ng Corinto noong ika-7 at ika-6 na dantaon BK.. Sa kanyang pamumuno, sumailalim ang lungsod ng Corinto sa isang ginintuang panahon ng kaayusan at kaunlaran.

Tingnan din [ baguhin | baguhin ang wikitext ]

Mga sanggunian [ baguhin | baguhin ang wikitext ]

Mga kawing panlabas [ baguhin | baguhin ang wikitext ]