Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang
pilosopiya ng agham
ay ang bahagi ng
pilosopiya
na nagsasagawa ng mga pag-aaral hinggil sa mga
agham
. Ang mga
pilosopo
na nakatuon sa agham ay nag-aaral ng kung paanong ang kaalaman ay nabubuo ng mga
siyentipiko
, at kung ano ang pagkakaiba ng agham mula sa iba pang mga gawain. Walang duda, ang makabagong agham ay mayroong masulong na kaalaman sa malawak na kasaklawan ng mga larangan. Upang maharap ang paksang ito, marami pang ibang mga paksang dapat ding harapin. Noong maaagang mga kapanahunan, may mga tao na nag-isip, katulad ni
Thomas Henry Huxley
, na ang agham ay isa lamang iniayos na
sentido komun
o
common sense
(karaniwang pagdama o karaniwang pag-iisip). Subalit habang nagpatuloy ang ika-20 daantaon, ang agham ay nakagawa ng maraming mga ideya na hindi naman katulad ng sentido komun. Naging malinaw na ang agham ay talaga palang isang bagay na naiiba mula sa kaalaman na pangsentido komun. Dahil sa hindi matukoy kung paano mapaghihiwalay ang agham at ang sentido komun, nagkaroon ng tinawag na suliranin ng demarkasyon o problema ng paghihiwalay sa dalawang ito.
Ang lathalaing ito na tungkol sa
Pilosopiya
at
Agham
ay isang
usbong
. Makatutulong ka sa
Wikipedia
sa
pagpapalawig
nito.