Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Si
Pierre Gassendi
(nakikilala rin bilang
Pierre Gassend
,
Petrus Gassendi
; 22 Enero 1592 ? 24 Oktubre 1655) ay isang
Pranses
na pilosopo, pari ng Simbahang Katoliko, siyentipiko, astronomo, at matematiko. Bagaman may katungkulan sa simbahan sa timog-silangang Pransiya, naglaan din siya ng panahon sa Paris, kung saan ay dating isang pinuno ng isang pangkat ng mga intelektuwal na malaya kung mag-isip. Naging isa rin siyang masiglang siyentipikong mapagmatyag, na naglathala ng unang dato hingging sa
transito ng Merkuryo
noong 1631. Ang
crater
o hukay na lunar (nasa ibabaw ng buwan) ay ipinangalan para sa kaniya.
Nagsulat siya ng maraming mga akdang pampilosopiya, at ang ilang sa mga posisyong inakdaan niya ay itinuring na mahalaga, na nakatuklas ng daan sa pagitan ng
iskeptisismo
at
dogmatismo
. Ayon kay
Richard Popkin
, si Gassendi ay isa sa unang mga mapag-isip na tao na lumikha sa modernong "pananaw na makaagham", ng iskeptisismo at
empirisismong
may moderasyon (hindi labis). Nakipagtalo siya sa kaniyang kasabayan sa panahon na si
Descartes
hinggil sa pagiging maaari ng ilang mga kaalaman. Ang higit na nakikilang proyekto niyang pangkarunungan ay nagtangkang itugma o ikabit ang
atomismong
Epikuryano
sa
Kristiyanismo
.