Pelikulang tahimik
[a]
(
Ingles
:
silent film
) ang tawag sa mga pelikulang walang sumasabay na
naka-record na tunog o musika
. "Tahimik" ang mga ito dahil walang naririnig na
salita
sa pelikula. Ginagamitan ito ng mga
title card
(o
intertitle
) para mapakita ang pag-uusap o komentaryo tungkol sa isang eksena. Ito ang unang umusbong na uri ng pelikula, at nanatiling dominante hanggang sa pag-usbong ng teknolohiya na nagpahintulot sa mga pelikula na magkaroon ng sabay na tunog, simula noong dekada 1930s. Bagamat mga "tahimik" sila, madalas may mga
orkestra
ang mga
sinehan
para lapatan ang mga pelikulang tahimik na nangangailangan ng musika.
Ang mga taon sa pagitan ng dekada 1890s hanggang 1930s ay itinuturing na panahon ng mga pelikulang tahimik. Kasabay sa panahong ito ang pag-abante sa mga kaparaanan sa larangan ng
sinematograpiya
. Mabilis na lumaos ito nang sumikat ang pelikulang
The Jazz Singer
(1927), ang unang
talkie
, bagamat may mga pelikulang tahimik pa rin na nagawa kahit sa panahon ng mga pelikulang may tunog, katulad ng mga pelikula ni
Charlie Chaplin
.
Marami sa mga pelikulang tahimik ang
nawala na sa kasaysayan
, madalas dahil sa kalumaan ng mga ito at sa materyales itong madaling masunog. Marami rin sa mga ito ang sadyang sinira dahil sa kawalan ng halaga nito nung umusbong ang mga pelikulang may tunog. Sa kasalukuyan, may mga kilusang
nagpepreserba
at
nagdi-
digitize
sa mga ito para mapanood sa
internet
.
Nagmula ang konsepto ng pagpapakita ng mga larawan mula sa mga
magic lantern
, na gumagamit sa mga salamin na nagsisilbing
lente
at isang malakas na liwanag (tulad halimbawa ng isang
lantern
) para maipakita ang mga larawang nasa salamin sa isang dingding. Noong ika-19 na siglo, itinatanghal ito sa publiko, at karaniwang nakapinta ang mga larawan sa salamin. Gayunpaman, paminsan-minsan ding ginagamit ang mga
litrato
nang naging posible ang teknolohiya para sa mga ito.
Ipinakilala ni
Joseph Plateau
ang
phenakistiscope
noong 1833, isang kagamitan na nagpapakita ng isang maiksing
animasyon
na paulit-ulit habang pinapaikot-ikot. Ito ang itinuturing na pinakaunang kagamitan na partikular na gumamit sa isang gumagalaw na midya bilang isang uri ng
entertainment
. Samantala, anim na taon pagkatapos, ipinakilala naman ni
Louis Daguerre
ang kauna-unahang paraan sa potograpiya. Nagawa nitong makakuha ng mga litrato, ngunit hindi sapat ang pagkasensitibo nito sa liwanag para makunan ang mga gumagalaw. Nagmungkahi mismo si Plateau ng paraan para mapagalaw ito, na gumagamit naman sa konsepto ng mga animasyong
stop motion
noong 1849. Marami ang sumubok na pagalawin ang mga litrato, partikular na si
Jules Duboscq
, na nakagawa ng isang kagamitan na hindi nagtagumpay sa huli. Nagpatuloy ang paghahanap ng paraan noong dekada 1850s hanggang 1870s, na may iba't ibang antas ng tagumpay.
Noong 1878, gumamit si
Eadweard Muybridge
ng isang hanay ng mga
kamera
para i-record ang isang tumatakbong
kabayo
. Ginawa niya ito upang patunayan na may punto sa pagtakbo ng kabayo kung saan wala sa mga paa nito ang nakatapak sa lupa. Ang resulta ay ikinagulat ng marami, at inilathala ito sa ilalim ng pangalang
The Horse in Motion
bilang isang serye ng mga larawan. Marami ang nagsimulang gamitin ang
kronopotograpiya
(
Ingles
:
chronophotography
) at sinubukan pagalawin ang resulta. Partikular na nagtagumpay si
Ottomar Anschutz
sa kanyang
electrotachyscope
simula noong 1887, at nagawa niyang mapagalaw ang mga larawan at ipakita ito una sa mga maliliit na screen, ngunit kalaunan ay nagawa niya rin ito sa mga malalaki noong 1894. Ang tagumpay na ito ang isa sa mga inspirasyon ng
Edison Company
na gumawa ng lalagpas sa 20 segundo gamit ang kanilang
kinetoscope
simula noong 1893.
Ang itinuturing na unang pelikulang tahimik na nagawa ay ang 1.66 na segundong pelikula na
Roundhay Garden Scene
ni
Louis Le Prince
. Kasabay ng mga pag-abanteng nagawa sa pelikula ang mga pag-abanteng nagawa sa
animasyon
. Partikular sa mga ito ang pagkaimbento ng
praxinoscope
ni
Emile Reynaud
noong 1877. Ang pagpapakita sa kanyang palabas na
Pantomimes Lumineuses
("Maliliwanag na Pantomime") sa publiko ng
Paris
noong 1892 ay ang itinuturing na simula ng mga
sinehan
. Sinundan ito ng
magkapatid na Lumiere
noong 1895, na nagpakita ng mga pelikula gamit ang kanilang
cinematographe
.
Simula 1890s, maraming mga
maiiksing pelikulang
tahimik na ginawa. Ang karamihan sa mga ito ay maituturing na eksperimental at nagpapakita sa mga pangyayari sa araw-araw, nang walang kahit anong kwento. Gayunpaman, nagsimulang magkaroon ito ng mga kwento pagsapit ng ika-20 siglo habang patuloy na umuusad ang teknolohiya para sa paggawa ng mga pelikula.
Ang mga unang pelikulang tahimik ay tipikal na gumagamit lang ng iisang kamera, nang walang kahit anong pag-eedit. Gayunpaman, nadiskubre kalaunan ng mga gumagawa ng pelikula na nagkakaroon ng kwento ang isang pelikula kung pagsasama-samahin ang mga magkakaugnay na eksena sa isa't isa. Ang pelikulang
La Fee Aux Choux
("Ang Diwata ng mga Repolyo", 1897) ni
Alice Guy-Balche
ang itinuturing na unang pelikulang gumawa nito. Ang
The Kiss
(1896) ni
William Heise
ay isa rin sa mga unang pelikulang may naratibo, at ang unang pelikulang ipinawagang
ipa-censor
dahil sa pagpapakita nito ng paghalik, na ipinagbabawal ipakita sa publiko noon.
Ang pelikulang
The Execution of Mary Stuart
(1895) ang itinuturing na unang pelikulang ginamitan ng
special effects
. Gumamit ito ng
stop trick
, kung saan pinalitan ng isang
manikin
ang aktor na gumaganap kay
Maria, Reyna ng mga Eskoses
para ipakita ang pagpugot sa ulo. Ginamit rin ni
Georges Melies
ang kaparehong teknik sa
Escamotage d'une dame chez Robert-Houdin
("Ang Paglaho ng isang Ginang sa Robert-Houdin") upang ipakita ang paglaho ng aktres. Si Melies ay isang magikero, at naging interes niya ang paggawa sa mga pelikulang may nagaganap na ilusyon. Isa siya sa mga unang gumawa ng mga pelikulang may higit sa isang eksena (tipikal noong ang mga pelikulang kinunan sa iisang eksena). Ang kanyang unang pelikulang gumamit nito ay ang
L’Affaire Dreyfus
("Ang Iskandalong Dreyfus", 1899), isang serye ng mga pelikulang ginawa niya upang ikwento ang
iskandalong Dreyfus
na kasalukuyang nagaganap habang ginagawa niya ang naturang serye. Ang pinakasikat at pinakamaimpluwensiyang nagawa niya ay ang
Le Voyage dans la Lune
("Ang Paglalakbay Patungo sa Buwan", 1902), isang adaptasyon mula sa nobela ni
Jules Verne
. Gumamit ito ng mga special effects at pagkakaroon ng daloy (
Ingles
:
continuity
) para makagawa ng kwento. Ito rin ang unang pelikulang nagkaroon ng pandaigdigang pagpapalabas dahil sa
pagpipirata
.
Ang naturang pelikula ni Melies ang naging inspirasyon ni
Edwin S. Porter
. Dating nanilbihang kameraman para sa
Edison Company
, nakilala siya dahil sa pagdirek niya sa mga pelikulang may daloy ng kwento at naratibo, partikular na sa
The Life of an American Fireman
(1902) at
The Great Train Robbery
(1903). Ang
The Great Train Robbery
ay ang kauna-unahang pelikulang itinuring na isang tagumpay sa box office. Ipinakita sa pelikulang ito ang isang makatotohanang naratibo na iba sa mga tipikal na pantasyang gawa ni Melies.
Bagamat parehong sumikat, hindi nagawang makaangkop sina Melies at Porter sa mabilis na pag-usad ng industriya ng pelikula. Kabilang sa mga dahilan nito ay ang pag-usbong ng mga kumpanyang distributor ng mga pelikula tulad ng
Pathe Freres
ni
Charles Pathe
. Nakuha nito ang mga karapatan sa patent ng magkapatid na Lumiere noong 1902 at nagkomisyon ng isang disenyo ng kamera na kalaunan ay gagamitin halos ng
buong merkado sa magkabilang panig ng
Karagatang Atlantiko
. Noong 1911, naging distributor ni Melies ang Pathe. Ang
Gaumont Pictures
ang itinuturing na karibal ng Pathe sa panahong ito, at kahit na hindi ito kasinlaki ng Pathe, ang operasyon nito ay kapareho lang sa kanila. Ang dalawang kumpanyang ito ang mga dominanteng distributor ng pelikula sa Europa bago ang
Unang Digmaang Pandaigdig
. Sa Estados Unidos naman, ang pagsabog ng mga sinehang
nickelodeon
("teatrong nickel
[b]
") ang nagpalago sa lokal na industriya. Tinatayang nasa 8,000 hanggang 10,000 nickelodeon sa Estados Unidos pagsapit ng taong 1908. Sa taong ding yon, tinatayang nasa 20 kumpanya ang gumagawa ng mga pelikula sa bansa, kabilang na ang
Edison Company
,
Biograph Studios
, at ang lokal na sangay ng
Pathe
sa Amerika.
- ↑
Alternatibong pagbaybay
:
tahimik na pelikula
- ↑
Tawag sa baryang nagkakahalagang
USD
0.05 (~
PHP
2.00) sa Estados Unidos.
Ang lathalaing ito ay isang
usbong
. Makatutulong ka sa
Wikipedia
sa
pagpapalawig
nito.