Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Tanaw mula sa himpapawid ng Palasyo ng Buckingham noong opisyal na pagdiriwang ng ika-90 na kaarawan ni
Reyna Elizabeth II
noong 2016. Orihinal na nakumpleto ang prinsipal na harapan, ang Silangang Harapan, noong 1850, at binago noong 1913 ni Aston Webb.
Ang
Palasyo ng Buckingham
(Ingles:
Buckingham Palace
NK
/
/
)
[1]
ay ang opisyal na tirahan at administratibong punong-tanggapan sa
London
ng
monarko ng Reyno Unido
.
[a]
[2]
Matatagpuan sa
Lungsod ng Westminster
, kadalasang sentro ang palasyo ng mga okasyon ng estado at makaharing hospitalidad. Naging sentrong lugar ito para sa mga Britaniko sa mga panahon ng kasayahan at pagluluksa.
Orihinal na kilala bilang
Buckingham House
(o Bahay Buckingham), ang gusali sa pusod ng palasyo ngayon ay isang malaking bahay-bayan (o
townhouse
) na itinayo para sa Duke ng Buckingham noong 1703 sa isang lugar na nasa pribadong pagmamay-ari sa hindi bababa ng 150 taon. Nakuha ito ni
Haring George III
noong 1761 bilang isang pribadong tirahan para kay Reyna Charlotte at naging kilala bilang
The Queen's House
(o Ang Bahay ng Renya). Noong
ika-19 na dantaon
, pinalaki ito ng mga
arkitekto
na sina John Nash at Edward Blore, na itinayo ang tatlong
wing
o nakakabit na gusali sa palibot ng gitnang patyo. Naging tirahan sa London ng monarkong Britaniko ang Palasyo ng Buckingham noong naluklok si
Reyna Victoria
noong 1837.
- ↑
Sa tradisyon, ang Britanikong Korteng Makahari ay ang opisyal na tirahan sa Palasyo ng St James, na nangangahulugan na, samanatalang tinatanggap ang mga bagong hirang na
embahador
ng soberanong Britaniko sa Palasyo ng Buckingham, inaakreditado sila sa "Korte ng Palasyo ng St James". Pinagpapatuloy ang ganitong anomalya para sa alang-alang ng tradisyon, habang opisyal na tirahan ang Palasyo ng Buckingham. Tingnan ang
Kasaysayan ng Palasyo ng St James.
(Opisyal na websayt ng Monarkiyang Britaniko).
- ↑
"Buckingham"
.
Collins Dictionary
(sa wikang Ingles)
. Nakuha noong
22 Mayo
2021
.
{{
cite web
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
"Buckingham Palace"
(sa wikang Ingles). Royal Household. 12 Nobyembre 2015
. Nakuha noong
21 Abril
2016
.
{{
cite web
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)