Ang isang
gerilya
(Kastila:
guerrilla
) ay isang sibilyan na nanglulusob ng isang regular na hukbong panlupa. Kapag inatake ng mga sibilyan ang mga kapwa sibilyan, karaniwan itong tinatawag na
terorismo
. Kapag dalawa o mas marami pang mga hukbo ng mga sundalong panlupa (na kumakatawan sa mga bansa) ang sumalakay sa isa't isa, isa na itong
digmaan
. Ang gerilya ay isang salitang nagmula sa
wikang Kastila
na may kahulugang "maliit na digmaan".
Ang
pakikidigma ng gerilya
(Ingles:
guerrilla warfare
) ay isang uri ng digmaan o pakikidigma kung kailan ang mga taong tinatawag na mga
gerilyero
(mga
Kastila
:
guerrillero
) ay ginagamit ang lupain at heograpiya bilang isang pakinabang laban sa isang organisadong hukbong panlupa. Kung minsan ang
digmaang gerilya
ay isinasagawa mula sa mga masusukal na mga pook na katulad ng mga
kagubatan
. Sa karaniwan, ang hukbong ito ay sumasalakay sa isang
teritoryo
.
Samakatuwid ang
pakikibakang gerilya
ay isang uri o anyo ng
digmaang iregular
kung kailan ang isang maliit na pangkat ng mga
mandirigma
o mga nakikipaglaban na kinabibilangan, subalit hindi nakahangga lamang sa, mga sibilyang armado o mayroong mga sandata (mga "iregular") na gumagamit ng mga
taktikang militar
, katulad ng mga panggugulat o pagsusorpresa katulad ng mga
pagtambang
(mga
ambush
),
sabotahe
(pamiminsala), mga
raid
(biglaan at hindi inaasahang pagsalakay at panloloob),
maliit na digmaan
, at ekstraordinaryong
mobilidad
(pagkilos) upang mapangingibabawan ang isang mas malaki at hindi gaanong magalaw na
hukbong panlupang
tradisyunal, o pagsalakay sa isang mahinang puntirya, at halos lumilisan o umaalis kaagad pagkatapos ng nagawang pag-atake.
Ang ganitong uri ng taktikang pandigmaan ay ginamit ng mga
Amerikanong Katutubo
laban sa mga
Britaniko
. Nagkaroon ng kalamangan ang mga katutubo dahil gumamit sila ng pakikidigmang gerilya. Ginamit din ang taktikang ito ng pakikidigma laban sa mga
Amerikano
noong panahon ng
Digmaan sa Biyetnam
.
Ang katagang "gerilya" ay may kahulugang "maliit na digmaan" sa
wikang Kastila
, at ang salitang
guerrilla
(
pagbigkas sa wikang Kastila:
[ge?ri?a]
), ay dating ginamit upang ilarawan ang diwang ito magmula noong ika-18 daantaon, at maaaring mas maaga pa. Sa tamang paggamit sa wikang Kastila, ang isang tao na kasapi sa isang
guerrilla
ay isang
guerrillero
(
[geri??e?o]
) (ang gerilyero) kapag lalaki, o isang
guerrillera
(ang gerilyera) kapag babae.
Ang katagang "guerrilla" ay ginamit sa
wikang Ingles
magmula noong 1809 bilang paglalarawan ng mga
nakikipaglaban
, at ang kanilang anyo katulad ng pagdaramit. Subalit, sa karamihan ng mga wika, ang
guerrilla
ay nagpapakahulugan pa rin ng partikular na estilo ng pakikipagdigma o pakikipaglaban. Ang paggamit ng diminutibo (kauntian) ay nagpupukaw ng kaiban sa bilang, lawak, at sakop sa pagitan ng hukbo ng gerilya at ng pormal at prupesyunal na hukbong panlupa ng estado.
Ang lathalaing ito na tungkol sa
Militar
ay isang
usbong
. Makatutulong ka sa
Wikipedia
sa
pagpapalawig
nito.