Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang
pagsasakdal
[1]
(
Ingles
:
impeachment
/im·pits·ment/) ay ang proseso kung saan ang isang opisyal ay inaakusahan ng katiwalian o paglabag sa alituntunin na ang maaaring kahinatnan ay pagkatanggal sa puwesto ng naakusahan at iba pang kaakibat na kaparusahan. Isa itong paraan ng pagtatanggal ng mga opisyal, karaniwan sa
pamahalaan
mula sa kanilang tungkulin. Nangyayari ito kapag ang isang opisyal ay ayaw bumaba ang kanyang trabaho o gampanin. Katulad ito ng isang
indictment
, na isang pang uri ng
paghahabla
at isang bagay na dapat munang makuha ng
tagausig
bago maganap ang
paglilitis
. Pagkaraang
maisakdal
o
maparatangan
ang isang tao, bumoboto ang
lehislatura
kung hahatulan o sesentensiyahan ba o hindi, o kaya tuklasin kung
nagkasala
nga ba o hindi ang
akusado
. Ang ikalawang lehislatura ay minsang binubuo rin ng kaparehong mga tao na nagsakdal sa pinaratangan, subalit hindi naman kung minsan.
- ↑
English, Leo James
. Diksyunaryong Tagalog-Ingles (
Tagalog-English Dictionary
), Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ng
National Book Store
, may 1583 na mga dahon,
ISBN 971910550X
Ang lathalaing ito ay isang
usbong
. Makatutulong ka sa
Wikipedia
sa
pagpapalawig
nito.