Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang
pagpili
ay kinakasangkutan ng
pagpapasya
na maaring kinabibilangan ng paghusga ng merito o pagtitimbang ng maraming pagpipilian at pagpili ng isa o higit pa.
Bahagi ng isang pasya ang masusing pagpili: pagtitimbang sa mga pagpipilian at pagpili ng isa o higit pa rito. Maaaring pumili sa pagitan ng mga hinuha o sa mga konkretong konsepto na may kaakibat na karampatang gawain. Halimbawa, maaaring pumili ang isang
manlalakbay
ng daan na pinakamalapit sa kanyang paroroonan. Ang napiling
daan
ay maaaring galing sa mga salik tulad ng layo ng bawat daanan, bigat ng
trapiko
at iba pa. Kung isang matinding dahilan ang nagtulak sa isang indibiduwal sa pagpili ng pasya, mas magtatalo ang pag-unawa, hinala at
emosyon
.
Ang pagpili ng
pagkain
para sa hapunan o kung ano ang maaaring isuot sa isang Sabadong umaga ay mga halimbawa lamang ng mga simpleng pasya na kaunti lamang ang epekto sa
buhay
ng nagpapasya. Ilan naman sa mga mahihirap na pasya ay ang pagpili ng iboboto tuwing
halalan
, pagpili ng propesyong tatahakin,
mapapangasawa
at iba pa ? mga pasya na mula sa iba't ibang impluwensya at may mas malawak na pagsasanga ng mga bagay.
Karamihan ay nakikita ang pagpili bilang isang mabuting bagay, subalit ang isang napakalimitado o tila may hadlang na pasya ay maaaring humantong sa pagkalito sa pagpili at maaaring magkaroon ng nakakadismayang resulta. Sa kabilang banda, ang pasyang may iba't ibang pinagpipilian ay maaaring magdulot ng pagkalito, pagsisisi sa ibang alternatibo na hindi pinili at pagsasawalang-bahala sa hindi maayos na pamumuhay. Maaari ding magdulot ng problema sa pag-iisip ang takot na, kaakibat ng pagpili ng isang bagay o landas, ang pangangasiwa ng mga ito.