Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang
Pagpapakita ng Panginoon
o
Epipanya
(Ingles:
Epiphany
, (
Griyegong Koine
: ?πιφ?νεια,
epiphaneia
, "manipestasyon", "kagila-gilalas na kaanyuan"
[1]
) o
Teopanya
(Ingles:
Theophany
),
[2]
(
Sinaunang Griyego
(?) Θεοφ?νεια,
Τheophaneia
) na may ibig sabihing "pagkatanaw sa Diyos",
[3]
na pangtradisyong bumabagsak tuwing Enero 6, ay isang
Kristiyanong
araw ng kapistahan
na nagdiriwang ng rebelasyon ng
Diyos Anak
bilang isang
tao
sa katauhan ni
Hesukristo
. Pangunahing (subalit hindi lamang ito) inaalala ng mga Kristiyanong
Kanluranin
ang pagdalaw ng
Pambibliyang Mago
sa
Sanggol na Hesus
, kung kaya't ang manipestasyong pisikal o pagkakatawang-tao ni Hesus sa mga
Hentil
. Inaalala ng mga
Kristiyanong Silanganin
ang
pagbibinyag kay Hesus
sa
Ilog ng Hordan
, na tinatanaw bilang manipestasyon ni Hesus sa daigdig bilang
Anak ng Diyos
.
[4]
Sa payak na mga pananalita, ang
Epipanya
ay isang paglitaw o pagsipot,
[5]
pagpapakita; o dili kaya ay isang pagpapahayag ng kabanalan, at pangyayaring ispirituwal kung saan ang katuturan ng isang bagay ay ipinakikita sa isang tao.
[6]
Ito rin ay nakikilala bilang kapistahan ng
Tatlong Haring Mago
tuwing Enero 6.
[5]
[6]