Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang
paghuhurno
,
pagpupugon
o
pagtitinapay
ay isang pamamaraan ng paghahanda ng pagkain na ginagamit ang tuyong init, tipikal sa isang
hurno
o pugon, subalit maari ding isagawa sa mainit na abo, o sa mainit na mga bato.
Tinapay
ang karaniwang pagkain na hinuhurno, subalit maraming ibang uri ng pagkain ang maaring ihurno.
[1]
Unti-unting nililipat ang init mula sa ibabaw ng tinapay tungo sa gitna nito. Habang naglalakbay ang init sa loob, binabago nito ang masa sa hinurnong produkto na may matigas na tuyong pang-ibabaw at malambot na gitna.
[2]
Maaring isama ang paghuhurno sa pag-ihaw upang makagawa ng isang pinaghalong baryanteng inihaw sa pamamagitan ng parehong pamamaraan na sabay-sabay, o ang isa pagkatapos ng isa pa. May kaugnayan ang paghuhurno sa
pag-iihaw
dahil ang konsepto ng hurnong pang-mason ay katulad ng isang tinapahan.
Sa tradisyon, isinasagawa ang paghuhurno sa tahanan para sa pang-araw-araw na pagkain at sa mga
panaderya
at kainan para sa lokal na pagkonsumo. Nang naging industriyalisado na ang produksyon, nagkaroon na ng awtomatisasyon ang paghuhurno sa pamamagitan ng mga makina sa malalaking mga pagawaan. Nanatiling isang mahalagang
kasanayan
ang sining ng paghuhurno at naging mahalaga para sa
nutrisyon
, yayamang ang mga produktong hinurno, lalo na ang tinapay, ay karaniwang at mahalagang pagkain, sa parehong ekonomiko at
pangkalinangang
pananaw. Tinatawag na panadero o magtitinapay ang isang tao na naghahanda ng mga produktong hinurno bilang isang propesyon. Sa kaugnay na trabaho, ang pasteleryang kusinero (o
pastry chef
) ay sinumang
nagsanay
sa sining ng paggawa ng pastelerya,
keyk
,
panghimagas
, tinapay, at iba pang produktong hinurno.
Labing-isang pangyayari ang nagaganap ng sabay-sabay sa paghuhurno, na hindi mangyayari ang ilan sa mga ito (tulad ng helatinasasyon ng
gawgaw
) sa temperatura ng silid.
- Natutunaw ang mga
taba
- Nabubuo at lumalawak ang mga
gas
- Namamatay ang mga
mikroorganismo
- Natutunaw ang
asukal
- Pagkulta ng
itlog
,
gatas
, at mga
protinang
gluten
- Pagiging solido at helatina ng gawgaw
- Pagsingaw
ng mga likido
- Karamelisasyon at pagkukulay kayumanggi (tinatawag sa Ingles na
Maillard browning
) sa ibabaw
- Desnaturalisado ng mga
ensima
- Mga pagbabagong nangyayari sa
nutrisyon
- Nasisira ang pektina