Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang
pag-awit
ay ang paglikha ng
musika
gamit ang tinig. Ito ay maikukumpara sa pagsasalita na may kasamang tono. Ang isang taong umaawit at tinatawag na mang-aawit o kaya ay bokalista. Ang pag-awit ay maaaring gawin na meron o walang instrumento. Ang pag-awit ng walang instrumento ay tinatawag na
acapella
. Maaari ding kumantang mag-isa o na may kasamang ibang tao sa isang pangkat gaya ng koro o banda.
Nakakaawit halos lahat ng nagsasalita, yayamang isang anyo ng matagalang pagsasalita ang awitin. Maaari itong impormal at para lamang sa kasiyahan, halimbawa, ang pag-awit sa banyo; o maaari itong maging pormal, katulad ng propesyunal na pagganap o pag-awit sa isang istudyong nag-rerekord. Ang pag-awit sa isang mataas na antas ng baguhan o propesyunal ay kadalasang kinakailangan ng isang tiyak na halaga ng likas na talento at isang madalas na pagsasanay, at/o instruksiyon.
[1]
Kadalasang nasa isang partikular na uri ng musika ang
karera
ng propesyunal na mang-aawit at sumasailalim sila sa pagsasanay ng tinig, na binibigay ng isang guro o tagapag-turo ng boses sa kanyang buong karera.
- ↑
Falkner Keith (ed) (1983).
Voice
. MacDonald Young. p. 26.
ISBN
0-356-09099-X
.
CS1 maint: date auto-translated (
link
)
Ang lathalaing ito na tungkol sa
Musika
ay isang
usbong
. Makatutulong ka sa
Wikipedia
sa
pagpapalawig
nito.