Nakaturo ang "rekreasyon" dito. Para sa artikulo tungkol sa kalibangan na binabalak upang kunin ang pansin ng mga tagapakinig, tingnan ang
libangan
.
Ang
pag-aaliw
o
paglilibang
ay ang paggamit ng oras sa paraang di kumikita, sa maraming paraan, ito rin ang paggiging maginhawa ng
katawan
at
isip
ng isang tao.
Binubukod ito sa
mga sandaling malaya
(
leisure
). Kung saan o dapat na puno ng pahinga ang
leisure
, nagpapaginhawa at nakakalibang naman ang
rekreasyon
.
Habang nagiging di makilos ang moda ng buhay natin, lumago ang pangangailangan sa rekreasyon. Hinahalimbawa nito ang pagakyat ng tinatawag nilang
aktibong bakasyon
.
Hindi lamang sa tao ang rekreasyon, paglalaro o kasayahan; nagbibigay ng kagalakan ang halos lahat ng nilalang dito sa isang antas. Mahalaga ang paglalaro sa pagsulong ng mga kasanayan, pinaka-pangunahin ang mga motor na kasanayan sa mga batang nilalang.
Ang
katupusan ng linggo
ay tipikong oras para sa rekreasyon (sa mga kulturang
Hudeo-Kristiyano
at
Muslim
) dahil nasa katupsan ng linggo ang
araw ng pangilin
at "araw ng pangangahinga" ang araw na ito. Karaniwan din ang
mga pista
bilang oras para sa rekreasyon.
Sa tradisyon, ang
musika
at
sayaw
ang kinukunsidera na rekreasyon sa maraming
kultura
, gayon din ang
palakasan
, mga
hobby
,
mga laro
at
turismo
. Isang pangkaraniwan na anyo ng rekreasyon, kaysa
leisure
ang panonood ng
telebisyon
at pakikininig ng mga awitin.
Karamihan sa mga gawain ng maaaring rekreasyonal:
Maraming mga tao nagagalak sa mga anyo ng rekreasyon na kinukunsidera na
imoral
ng iba, halimawa
paggamit ng droga
,
pagsusugal
,
paghuhubad
at ibang pang anyo ng seks. Karagdagan pa, may mga ilang tao na may pagbabawal sa oras sa ilang anyo ng rekreasyon, halimbawa hindi sa
Linggo
,
araw ng pangilin
o habang may
Ramadan
.