Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang
Owariasahi
(
尾張旭市
,
Owariasahi-shi
)
ay isang
lungsod
na matatagpuan sa
Prepektura ng Aichi
,
Hapon
. Magmula noong 1 Oktubre 2019
(
2019 -10-01
)
[update]
, may tinatayang
populasyon
na 81,954 katao ang lungsod sa 35,583 mga kabahayan,
[1]
at may
kapal ng populasyon
na 3,897 mga tao sa bawat kilometro kuwadrado. Ang kabuoang lawak ng lungsod ay 21.03 square kilometre (8.12 mi kuw).
Noong unang bahagi ng
panahong Meiji
, kasabay ng pagtatag ng sistema ng makabagong mga munisipalidad, itinatag ang mga nayon ng Inba, Arai, at Yatsushiro sa loob ng
Distrito ng Higashikasugai, Aichi
. Sinanib ang tatlo upang malikha ang nayon ng Asahi noong Hulyo 16, 1906. Naging bayan ito noong Agosto 5, 1948, at lungsod noong Disyembre 1, 1970. Upang maiwasan ang kalituhan sa lungsod ng
Asahi, Chiba
, pinangalanang Owariasahi ang bagong lungsod.
Matatagpuan ang Owariasahi sa gitnang-kanlurang bahagi ng Prepektura ng Aichi, sa hilaga ng Nagoya metropolis. Ang Liwasang Kagubatan ng Prepektura ng Aichi ay sumasaklaw sa 15% ng lawak nito.
Ayon sa datos ng senso sa Hapon,
[2]
mabilis na lumalaki ang populasyon ng Owariasahi sa nakalipas na 50 mga taon.
Historical population
Taon
| Pop.
| ±%
|
---|
1940
| 8,082
| ?
|
---|
1950
| 12,040
| +49.0%
|
---|
1960
| 18,577
| +54.3%
|
---|
1970
| 33,634
| +81.1%
|
---|
1980
| 53,151
| +58.0%
|
---|
1990
| 65,675
| +23.6%
|
---|
2000
| 75,066
| +14.3%
|
---|
2010
| 81,143
| +8.1%
|
---|
Opisyal na websayt ng Lungsod ng Owariasahi
(sa Ingles)
|
---|
Pandaigdigan
| |
---|
Pambansa
| |
---|
Heograpiko
| |
---|