Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang
New Frontier Theater
, kilala bilang
Kia Theatre
mula 2015 hanggang 2018, ay isang teatro sa
Araneta City
sa
Cubao
,
Lungsod ng Quezon
,
Kalakhang Maynila
,
Pilipinas
.
Ang Kia Theatre ay unang binuksan noong 1967 bilang New Frontier Theater at kinilala ng ilang mga taon na bilang pinaka-malaking teatro sa Pilipinas,
[1]
na may kapasidad ipaupo ang mga 3,500 na katao.
[2]
Ito ay napabayaan matapos itong magsara noong mga huling bahagi ng 1980s.
[3]
Pinlano ang pagsasaayos muli ng teatro noong 2003
[1]
ngunit nagtagal ng isa pang dekada bago pa ito maitapos. Nasaayos at ibinuksan muli ang teatro noong Septyembre 1, 2015. Ang naigastos para sa pagsasaayos ay ?500 million.
[3]
The patsada ng orihinal na gusali ay hindi giniba.
[
kailangan ng sanggunian
]
Ang isinaayps na theatro ay may kapasidad na mapaupo ang 2,385 na katao.
[3]
[4]
Ang teatro ay pinangalanang muli bilang "Kia Theatre" matapos magkaroon ng 5-taong kasunduan ang
Araneta Group
sa Columbian Autocar Corporation, ang tagapamahagi ng produkto ng
Kia Motors
sa Pilipinas noong Hulyo 15, 2015.
[3]
Ang patsada ng teatro ay itatampok ang isang 305.96 square metre (3,293.3 pi kuw) na Kia showroom bilang bahagi ng kasunduan.
[5]
Ang unang palabas sa teatro matapos itong muling buksan noong Agosto 15, 2015 ay ang musikal na
MLQ: Ang Buhay ni Manuel Luis Quezon
.
[6]