Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Si
Nestorio
(
/
/
; in
Greek
: Νεστ?ριο?;
c.
386 ? 450
[1]
) ang
Arsobispo ng Constantinople
mula 10 Abril 428 CE hanggang Agosto 431 CE nang kumpirmahin ni emperador
Theodosius II
ang kanyang pagkukundena ng paksiyon ni
Cirilo ng Alehandriya
sa Efeso noong 22 Hunyo. Ang mga katuruan ni Nestorio ay kinabibilangan ng kanyang pagtakwil sa matagal na ginagamit na pamagat na
Theotokos
(Ina ng Diyos) para kay
Maria
at pinakahulugan ng marami na nagpapahiwatig na hindi siya naniniwalang ang Kristo ay tunay na Diyos. Isinaad ni Nestorio na ang Theoetokos ay nagtatanggi sa buong pagkatao ni Hesus at ikinatwirang si Hesus ay may dalawang persona na Diyos na Logos at taong Hesus. Dahil dito, kanyang iminungkahi ang paggamit ng Christotokos na mas angkop kay Maria. Nabahala si Nestorio na ang kultong "Theotokos" ay mapanganib na malapit sa pagpipitagan kay Maria bilang isang
Diyosa
. Ito ay nagdulot ng kanyang alitan sa ibang mga mahahalagang indibidwal sa simbahan na ang pinakakilala ay si
Cirilo ng Alehandriya
na nag-akusa sa kanya ng
erehiya
. Ipinagtanggol ni Nestorio ang kanyang sarili sa
Unang Konseho ng Efeso
ngunit kinondena at inalis sa kanyang sede. Siya ay ipinatapon noong 435 CE emperador
Theodosius II
sa ehipto kung saan siya tumira hanggang 450 kung saan niya aktibong pinagtanggol ang kanyang ortodoksiya. Hindi tinanggap ng
Simbahan ng Silangan
ang pagkukundena ng
Unang Konseho ng Efeso
sa mga katuruan ni Nestorio at humiwalay sila mula sa ibang mga Kristiyano.